top of page
TEKA NGA - KIM, BIGLANG INIWAN ANG CAREER SA ‘PINAS PARA TUMIRA SA CANADA_IG _chinitaprinc

Kotse at motorsiklo ang paayuda, Karla… ROMMEL AT IBA PANG ANAK, BUSOG SA REGALO AT SUSTENTO KAY DANIEL

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 15
2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | September 15, 2026



Rommel Padilla - Ogie Diaz Vlog - YT

Photo: Rommel Padilla - Ogie Diaz Vlog - YT



Napakagalante naman palang magregalo ni Daniel Padilla sa kanyang amang si Rommel Padilla.


Sa kuwento ni Rommel sa vlog ni Ogie Diaz, tuwing magbi-birthday daw siya ay nireregaluhan siya ni Daniel ng motorsiklo dahil ito ang hilig niya. Kaya nakaipon siya ng apat na mamahaling motorsiklo.


Nakatanggap din daw siya ng dalawang kotse mula kay Daniel. Ganito raw ka-generous ang ex-BF ni Kathryn Bernardo.


Bukod sa mga sasakyan, hindi rin nakakalimot magpadala si Daniel ng cash assistance, lalo na kapag may bago siyang endorsements. Nagreregalo rin ito kapag may kapatid siyang nakapagtapos sa college. Nireregaluhan niya ng kotse, at pati ang iba pa niyang kapatid sa ama ay tinutulungan din ni Daniel.


Kaya naman, todo ang pasasalamat sa kanya ng amang si Rommel.

Maging nang kumandidato noon ang aktor ay tumulong din si Daniel, pero hindi na pumayag si Rommel na gastusan pa siya.





Katumbas na ng isang mansiyon…

P46 M RELO, ISA LANG SA MGA KOLEKSIYON NI SHARON



ANG bongga-bongga ng collection ng luxury vintage watch ni Sharon Cuneta na milyones ang halaga. Ito ang bale investments na rin ni Megastar at puwede niyang ibenta sa mas mataas na halaga.


Well, kinabog ni Shawie ang watch collection nina Dingdong Dantes, Heart Evangelista, Manny Pacquiao, Alice Eduardo, Alden Richards at iba pang celebrities.


Isa sa mga vintage watches na kasama sa collection ni Sharon ay iniregalo niya sa kanyang anak na si KC Concepcion. Ito ay nagkakahalaga ng P31 million!


Ang pinakamahal na vintage luxury watch sa collection ni Mega ay nagkakahalaga ng P46 million. Napapalibutan ito ng diamonds at sapphire stones. Katumbas na ng vintage watch na ito ang halaga ng isang mansion.


Well, business-minded si Mega at may mga investments din sa real estate. Isa na siyang billionaire kung tutuusin.





KUMPIRMADO na kasama sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2026 movie nina Vic Sotto at Vice Ganda si Maine Mendoza. 


Tiyak na markado ang kanyang magiging role sa filmfest entry na The Greatest Showdown (TGS).


Hinihintay na lang ng mga fans ang announcement kung isasama rin sina Ryzza Mae at Bimby Aquino sa pelikula. Makakahakot din naman ng manonood ang tambalang MaeBy.


Well, marami ang kinikilig sa kanilang tandem sa Eat… Bulaga! (EB!). Para raw silang young version ng AlDub (Alden Richards & Maine Mendoza).


Maraming fans ang humihiling na mapanood din nila sa pelikula ang tambalang MaeBy.

Well, why not?! Siguro naman, okay ang ideyang ito kina Bossing Vic at Vice. Kuwela kung may Maine na, may Ryzza Mae at Bimby pa!


Ngayon pa lang, nangangamoy box-office hit na ang pagsasamahan nina Bossing Vic at Meme Vice.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page