Korean actor na bida ng Goblin… GONG YOO, DARATING SA ‘PINAS
- BULGAR

- 1 day ago
- 2 min read
ni Nitz Miralles @Bida | July 12, 2026

Photo: IG _gongyoo_offcial
Siguradong may mga nagsimula nang mag-ipon para makabili ng ticket sa fan meeting ng South Korean actor na si Gong Yoo.
Darating sa bansa ang aktor na napanood sa mga K-drama na Coffee Prince, Goblin, Squid Game, The Trunk at sa hit movie na Train to Busan. Sikat siya rito kaya asahang maso-sold-out ang tiket sa kanyang fan meeting.
Hindi pa in-announce ang date at venue ng fan meeting ni Gong Yoo na tinawag na 2026 Asia Fan Meeting Tour: The Long Take. Mauuna yata siyang bumisita sa Jakarta, Yokohama, Bangkok at Macau, kaya may enough time pa ang mga fans na mag-ipon para makabili ng ticket at makita siya.
Tiyak na mahal ang tiket sa fan meeting ni Gong Yoo, kaya ihanda ninyo na ang mga wallet at bulsa ninyo.
‘Yun nga lang, hindi pa rin pala inia-announce ang ticket prices sa fan meeting. Sosorpresahin yata sila.
ANGELICA, AGREE NA I-BAN ANG MGA MINOR SA PAGGAMIT NG SOCMED
Maraming mommies at kahit wala pang mga anak ang nag-agree sa desisyon ni Angelica Panganiban at ng husband niyang si Gregg Homan na hindi na ituloy ang pagba-vlog at pagpapakita sa kanilang anak na si Amila Sabine sa social media para sa privacy nito.
Sa interview kay Angelica ni Karen Davila, sinabi nito ang rason nilang mag-asawa.
“Kung nakita ng mga tao, we used to have a YouTube (YT) channel. Nu’ng buo na s’ya magsalita, tinanggal na namin,” panimula ni Angelica.
“Ayaw ko na s’yang ma-involve sa social media at ayoko na rin kasi na balikan n’ya ako at some point in her life na bakit ko ‘yun ginawa sa kanya. We agreed, parehas kami ng husband ko—na okay kami to do endorsements pero ‘di sa social media,” dagdag ni Angelica.
Nabanggit din ng aktres na payag at suportado nila ng kanyang asawa ang pagba-ban sa paggamit ng social media sa mga menor-de-edad o nasa edad na 16 and below.
Ang ganda rin ng sinabi ni Angelica na, “Gusto ko s’yang lumaki na ako ‘yung best friend n’ya, na ‘pag may problema, ako lagi ‘yung tatawagan n’ya. I want her to feel safe with me.
Of course, gusto ko s’yang magkaroon ng sobrang daming kaibigan dahil ngayon, mag-isa pa lang s’yang anak. ‘Di natin alam kung ano pa ang mangyayari in the future.
“Kung magiging only daughter ko s’ya, I want her to have all the friends in the world para ‘di n’ya maramdaman 'yung pagiging mag-isa n’ya. Pero bukod du’n, gusto ko na ako ang best friend n’ya.”
Ibinalita rin ni Angelica na sa isang co-educational school (mix gender) nila ie-enroll si Amila. Gusto nilang ma-expose ang anak sa lahat ng taong makikilala niya in the future.
Well, marami ang pumuri kay Angelica sa pananaw at paniniwala nilang mag-asawa para sa mas ikabubuti ng kanilang anak.





Comments