Korea binabangungot pa rin sa pagkatalo sa Gilas
ni MC - @Sports | June 19, 2021

Kinalimutan ng South Korea ang kanilang mapait ng pagkatalo sa kamay ng Gilas Pilipinas sa tinawag nilang “lucky shot” ni SJ Belangel sa Fiba Asia Cup qualifiers sa AUF Gym sa Clark, Pampanga. Matatandaang nalasap ng Korean cagers ang 81-78 defeat kontra Gilas Pilipinas matapos maisalpak ni Belangel ang isang bank shot kahit pa mahigpit ang depensa ng higanteng si Lee Seounghyun.
Ayon kay head coach Cho Sang Hyun, hindi iyon ang inaasahang larong gagawin ng Gilas sa kanilang final play. “There is no space for taking a shot,” ani Cho sa pamamagitan ng isang interpreter. “It was a lucky shot. There was nothing we can do to fix it.”
Sinabi ni Cho na gagamitin nila ang kanilang pagkatalo sa Gilas para mas maimprub ang team na binubuo ng batang players mula sa Korean Basketball League. Napansin umano ni Cho na ang guards ang kumukuha lagi ng bola para sa Gilas Pilipinas dahil mahigpit ang kanilang depensa.
“It was a tough game. We had great start from the beginning of the game. There were a lot of pressure to our guards. They were having a hard time that’s why we kinda lost our flow of the game,” ani Cho.
Agad namang bumawi sa laro ang Korea nang tambakan sa sumunod na araw ang Indonesia, 104-81. “Of course, I’ve gained a lot of good lessons from the game against Gilas. Because of the COVID-19, we had not had an opportunity to play against any team. This is basically our first game. I got a better idea now on how we can become a better team. That’s what I’m working on,” kwento pa ni Cho.





Comments