Kopyang-kopya ang salita at galawan… JOSHUA, ISINUSUKA NG MGA NETIZENS SA PANGGAGAYA KAY JOHN LLOYD
Julie Bonifacio - @Winner | May 16, 2021

Binansagan ang aktor na si Joshua Garcia ng ilang netizens bilang ‘JLC copycat’. Of course, ang JLC initials ay mula sa pangalan ng aktor na si John Lloyd Cruz.
Nai-reveal ito when a photo of a Zoom meeting conducted by ABS-CBN para sa safety protocols sa gagawing locked-in taping para sa bagong Kapamilya teleserye was posted sa social media.
Kung 'di kami nagkakamali, ang title ng bagong teleserye ng ABS-CBN na pinagmitingan nila ay Viral under RCD Narratives head na si Roda Catolico Dela Cerna, sa direksiyon nina Dado C. Lumibao at Froy Allan Leonardo.
Makikita sa photo na kasama sa Zoom meeting si Joshua at ang bago niyang screen partner na si Charlie Dizon.
Kasama rin sa mgamembers of the cast na nasa Zoom meeting para sa bagong Kapamilya serye ang aktres na si Dimples Romana, Maxene Magalona, Gian Magdangal at iba pa including ang production heads.
We heard na kasama rin sa Viral sina Jameson Blake, Kakai Bautista, Aljon Mendoza, Ria Atayde at Jake Cuenca.
Sa comments section, na obviously ay mga bashers ni Joshua, ipinost ng mga netizens ang bansag nila sa ex-on-and-off screen partner ni Julia Barretto.
“Yak, 'yung JLC copycat.”
“Hindi original si JLC, may kinopya rin siya nu'ng baguhan siya.”
“JLC style na naman of speaking at galaw... No thanks.”
May naghanap naman na netizen sa isa pang Kapamilya actor na si Jake Cuenca na sa pagkakaalam niya ay kasama rin sa bagong drama series ng ABS-CBN.
“Wala na si Jake? Pinalitan na ba?”
Na-excite naman ang karamihan sa mga netizens sa paggawang muli ni Joshua ng teleserye at ng newest movie star online sensation na si Charlie.
"LIKE! Both amazing actors. Na-excite ako. Sana, may matinding drama scenes sila ni Charlie.”
“Finally! They deserve this break. Sana, magamit 'yung acting skills nila nang sobra ni Charlie and hindi pabebe na storyline. So tired of love teams.”
Ganern?





Comments