top of page
Search
  • BULGAR

Kontrata, 'di ni-renew ng network… SUNSHINE, BABU NA SA SIYETE

Erlinida Rapadas - @Teka Nga! | April 20, 2021




Tiyak na ikagugulat ng marami kung bakit hindi na mapapanood si Sunshine Dizon sa mga upcoming shows ng GMA Network. Siya pala ang nababalitang aktres na iiwan na rin ang Kapuso Network.


Ayon sa ilang insiders, nag-expire na ang kontrata ni Sunshine sa GMA-7 at balita namin ay hindi na siya ni-renew ng management tulad din nina Janine Gutierrez at Kris Bernal.


Si Janine ay piniling lumipat sa Kapamilya Network. Posibleng ganu'n din ang gawin ni Sunshine at sundan si Janine. Puwede rin namang sa TV5 siya pumunta tulad ni Kris.


May mga netizens naman ang nagtatanong kung ano ang dahilan at hindi na ni-renew ng GMA Network ang kontrata ni Sunshine ganu'ng mahigit dalawang dekada nang Kapuso ang aktres?


Marami na siyang malalaking shows na nagawa sa GMA-7 na nagmarka at mataas ang ratings tulad ng Encantadia at Ika-5 Utos. Ang huli niyang serye sa Kapuso Network ay ang Magkaagaw.


May mga bagay bang hindi napagkasunduan sa panig ni Sunshine at ng GMA Network? Ano ang naging problema?


Well, baka career move rin para kay Sunshine ang sumubok naman sa ibang network. After all, magaling naman siyang artista kaya hindi mababakante nang matagal.



0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page