Kontrabida kina H.E.R. at Liza… LEA, PUMAYAG MAG-BOSES MANANANGGAL
- BULGAR

- 1 day ago
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | August 19, 2026

Photo: IG _msleasalonga
Inilabas na ang buong listahan ng mga kanta para sa Forgotten Island (FI) ng DreamWorks Animation.
Kabilang sa mga artistang nangunguna sa soundtrack ang SB19, BINI at si Lea Salonga.
Gaya ng naunang isiniwalat, tampok din sina H.E.R. at Sophia Laforteza ng KATSEYE.
Ipapalabas ang soundtrack sa Setyembre 18 at ang pelikula ay magsisimula sa Setyembre 25.
Ang animated movie ay pinangungunahan ni Liza Soberano at ng Fil-Am singer na si H.E.R., kung saan boses nila ang ginamit bilang matalik na magkaibigan sa pelikula.
Ang Broadway actress-singer na si Lea Salonga ang gaganap bilang kontrabida sa FI.
Well, paano ba nila nakuha ang aktres na maging villain sa animated movie?
Ayon sa mga direktor na sina Joel Crawford at Januel Mercado, nagpadala sila ng pitch to see if she was interested.
Sey nila, “We heard from her team right away.”
Pumayag daw si Lea na gampanan ang role ng Manananggal.
Pero naisip daw nila na kahit maganda ang role ni Salonga, baka hindi sapat na ‘meaty’ o malaki ang material para sa kagalang-galang na aktres. At baka hindi rin daw nila mabigyan ng isang role na kasinglaki ng ginampanan noon ng Broadway actress sa Miss Saigon.
Sey ni Mercado, “She was already on the same page as us, understanding that the Manananggal didn’t need to speak a lot to be scary.”
“She elevated the material,” aniya pa.
Ipinaliwanag ni Lea na nahanap niya ang boses for the character matapos pakinggan sina H.E.R. and Liza.
Nag-collab sa negosyo… BEA AT ANNE, MAGKASAMANG BUMIYAHE PA-CHINA
KASALUKUYANG nasa China sina Bea Alonzo at Anne Curtis.
Sa lumabas na post, may caption na: “Early flight, China bound!” at binanggit ang kanilang trip, kabilang ang Great Wall of China.
Ang biyahe ng dalawang aktres ay mukhang may kaugnayan sa collaboration ng kanilang brands na BASH (ni Bea) at BLK Cosmetics (ni Anne), na inilunsad noong July, at tinawag nila itong Expedition Collection.
May mga posts din tungkol sa work-and-holiday trip ni Bea sa China, kaya mukhang hindi lang purely leisure vacation ang biyahe nila.
Nag-perform sa Summer Sonic sa Japan…
SB19, KARANGALAN NG BAWAT PINOY
PINURI ng Philippine Concerts ang SB19 sa social media kasunod ng performance ng grupo sa Summer Sonic 2026 sa Osaka, Japan.
Naging bahagi ng makasaysayang pagtatanghal ang grupo sa isa sa mga pinakamalaking music festival.
Sa kanilang post, sinabi ng Philippine Concerts, “@SB19 just made every Filipino heart swell with pride (Philippine flag).
“SB19 from the Philippines officially debuted onto one of Asia’s biggest stages and reminded the world why they are called the Kings of P-pop.”
Binigyang-pugay din sa post ang pinagdaanan ng grupo bago marating ang ganitong kalaking entablado, kabilang ang mga panahong halos walang laman ang kanilang mga venue at ang mahahabang oras ng ensayo.
Pinuri rin ang vocals ng grupo, partikular ang tinig ni Stell, pati na ang kanilang harmonies, high notes, breath control at choreography.
Sey pa ng page, “Mabuhay, @SB19Official. You make us proud every single time.”
Pawang magagandang komento naman ang mababasa…
“Wow! Philippine Concerts, eto na yata ang pinaka-heartfelt na post na nabasa ko for SB19! Slayed ka r’yan.”
“In fairness, ang dami rin talaga ng crowd nila.”
“Ginawang pub ang tahimik na Japan. Hahaha!”
“Lahat talaga, tumalon. Hahaha! I love the Summer Sonic crowd.”





Comments