top of page
Search
  • BULGAR

Kompanya na nagpalit ng pangalan

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | January 17, 2022



Dear Chief Acosta,


Ako ay nagtatrabaho sa security agency. Nitong nakaraang linggo ay sinabihan kami ng aming supervisor na pinabago na diumano ng Board of Directors ang pangalan ng kompanya sa Articles of Incorporation nito. Ibig sabihin ba nito ay wala na ang security agency na pinagtatrabahuhan ko at ibang kompanya na ang pinapasukan ko ngayon? - Ael


Dear Ael,


Para sa inyong kaalaman, binigyang-diin ng Kagalang-galang na Korte Suprema sa Zuellig Freight and Cargo Systems vs. NLRC (G.R. No. 157900, 22 July 2013, Ponente: Honorable Former Chief Justice Lucas P. Bersamin), na ang pagpapalit ng pangalan ng isang kompanya ay hindi itinuturing ng batas na paglikha ng bagong korporasyon. Ayon sa Kagalang-galang na Korte Suprema: “The amendments of the articles of incorporation of Zeta to change the corporate name to Zuellig Freight and Cargo Systems, Inc. did not produce the dissolution of the former as a corporation. For sure, the Corporation Code defined and delineated the different modes of dissolving a corporation, and amendment of the articles of incorporation was not one of such modes. The effect of the change of name was not a change of the corporate being, for, as well stated in Philippine First Insurance Co., Inc. v. Hartigan:


“The changing of the name of a corporation is no more the creation of a corporation than the changing of the name of a natural person is begetting of a natural person. The act, in both cases, would seem to be what the language which we use to designate it imports – a change of name, and not a change of being.”


(Binigyang-diin)


Sang-ayon sa nabanggit na desisyon, ang pag-amyenda ng Articles of Incorporation ng kompanya upang palitan lamang ang pangalan nito ay hindi nangangahulugan ng paglikha ng panibagong korporasyon. Ibig sabihin, hindi nagbago ang kompanyang inyong pinagtatrabahuhan kung pinalitan lamang nila ang kanilang pangalan sa Articles of Incorporation.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page