top of page
Search
  • BULGAR

Komedyante, ipinagtanggol ng mga kaibigan…

KA-LIVE-IN NI TEKLA, TINAWAG NA MAKAPAL ANG MUKHA AT ABUSADO

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | October 25, 2020




Hindi nakatiis ang mga kaibigan ni Super Tekla na basta manahimik na lang sa mapanirang akusasyon ng live-in partner nitong si Michelle Lhor Bana-ag na diumano'y ayaw siyang bigyan ng pambili ng pagkain ng komedyante kapag hindi niya ito pinagbibigyan sa sex.


Matatandaang lumapit si Michelle sa programa ni Raffy Tulfo sa TV5 para ireklamo ang komedyante na diumano'y nang-aabuso sa kanya.


Bukod kina Ogie Diaz, Donita Nose at Boobay na mga una nang nagsalita para depensahan si Super Tekla at pabulaanan ang mga akusasyon ni Michelle, isa pang kaibigan at dating kasamahan ng komedyante ang lumutang para ipagtanggol siya.


Ayon kay Rowell Quizon (apo ni the late Comedy King Dolphy) na nakasama ni Tekla sa mga comedy bars, saksi siya kung paano mahalin at alagaan ng komedyante si Michelle kahit pa 'tomboy' daw ito.


Naririnig pa nga raw niya 'pag tinatawagan ni Tekla si Michelle para tanungin kung ano'ng gustong pasalubong na pagkain pag-uwi.


Sa kanyang Facebook post, mababasa ang mahabang mensahe ng pagtatanggol ni Rowell kay Super Tekla na ganito ang nakasaad:


"'Di na 'ko makapagtimpi sa 'yo, makapal mukha mo Michelle.. Nakita ko kung gaano ka minahal ni Tekla... TOMBOY ka 'di ba? 'Pag may show si Tekla, kasama mo pa jowa mong babae, nilunok ni Tekla 'yung galit maging masaya ka lang.. Pati tropa ng jowa mo na isang katutak ang inoorder sa bar makapagpasikat ka lang, lahat ng order n'yo, unli.. 'yung taong nagpe-perform abono pa sa tf niya sa laki ng bill ng na-order n'yo..


"Kapal ng mukha mo, masyado mong pinasama si Tekla. Napakahayup mo. Nakasama ko si Tekla sa backstage ng Klownz, tumatawag siya sa 'yo, tinatanong ka kung ano'ng gusto mong kainin after ng show niya.. Mahal na mahal ka ni Tekla kahit abusado ka....


"T*ng ina, napakawalanghiya mo. One time, pumunta ka sa backstage, kinukulit mo si Tekla na nasa labas na 'yung magdadala ng shabu.. Inaway mo pa si Tekla, alam mong magso-show 'yung tao. Sa kabila nu'ng galit ni Tekla, isinantabi niya 'yung inis.. HINDI NAGKULANG SI TEKLA SA 'YO O SA INYO..SADAYANG ABUSADO KA LANG..


"Hindi pa nagsisimula ang show ni Tekla, nagrereklamo ka na ubos na 'yung bucket na inilapag sa mesa n'yo.. Ganu'n kakapal ang mukha mo. Nagtrabaho 'yung tao para lang sa kasiyahan ng tropa mo at jowa mong babae..


"Alam mo kung sa'n ka parteng naging bobo, Michelle? Nagreklamo ka sa RTIA na ikaw mismo ang maglalaglag sa sarili mo.. Very wrong ka..akala mo, naka-jackpot na kayo na binigyan kayo ng financial nang ganu'n-ganu'n lang.... Makapal mukha mo, abusado ka, Michelle.. Wala kang utang na loob!"


Ano kaya'ng masasabi rito ni Mr. Raffy Tulfo na awang-awa kay Michelle sa mga reklamo nito laban kay Super Tekla?

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page