Komedyana, todo-painterbyu tungkol sa kanila, 'di na raw maalala… MARIO MAURER, NAGPASAKLOLO SA
KORTE, KAKAI PINATATAHIMIK
ni Nitz Miralles - @Bida | March 25, 2021

Idinaan ni Kakai Bautista sa pagpapatawa ang isyu niya sa management company ng Thai actor na si Mario Maurer na nag-isyu ng Cease, Desist and Refrain order para itigil niya ang pagbanggit sa pangalan nito sa kanyang mga interviews. Eh, hindi na nga raw maalala ni Mario kung sino si Kakai at kung paano sila nagkita.
Sa kanyang Instagram, may post si Kakai ng picture niya na nasa beach at may caption na “Hooh hirap 'pag sobrang gandaa. ISMAYL na lang si T'yang sa mga taong ayaw tumigil.”
Kasi naman, hindi rin tinitigilan si Kakai ng mga tanong tungkol kay Mario at sumasagot lang ito, kaso ayaw pala ng management ng Thai actor.
In fairness kay Kakai, nasa presscon kami ng Star Cinema movie na ginawa ni Mario rito sa 'Pinas katambal si Erich Gonzales at kasama sa cast si Kakai. Naalala namin, aliw na aliw sa kanya si Mario at ipinakanta pa kay Kakai ang theme song ng movie na kanyang pinakinggan. Ngayon, hindi na pala niya maalala.
And speaking of Kakai, ‘wag na nga niyang banggitin pa si Mario at mag-focus na lang sa mga projects niya ngayon gaya sa First Yaya na maganda ang kanyang role at sa Catch Me Out Philippines na maganda ang kanyang exposure. Kalimutan na niya si Mario.





Comments