top of page

Komedyana, na-bad trip, nakipagsagutan… MAJA AT KAKAI, PINALAYAS NG GUARD SA MALL

  • BULGAR
  • Apr 19, 2021
  • 2 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | April 19, 2021




Hindi sukat-akalain nina Maja Salvador at Kakai Bautista na palalayasin sila ng guard sa isang mall kung saan magsu-shoot dapat ang dalawa para sa YouTube vlog ng una.


Guest ni Maja si Kakai sa kanyang vlog at nang aktong magsu-shoot na ang team niya sa field ng Robinson’s Mall, nilapitan sila ng guard at hinahanapan ng permit.


Si Kakai ang nakipagdayalogo sa guard na hindi raw sila magse-setup kung hindi sila binigyan ng permiso na mag-shoot.


Sinabihan ni Kakai na kontakin nito ang administration para malamang may permiso sila ngunit hindi makontak ang staff.


Sa kawalan ng temper, sinabi ni Kakai sa guard na si Maja ay endorser ng nasabing mall.


Pinakalma naman ni Maja ang kanyang guest at sinabing hindi naman kasalanan ng guard ‘yun.


Sabi tuloy ni Kakai, dapat daw, ang title ng vlog ni Maja ay "Maja Salvador, napalayas sa mall na ine-endorse niya!"


Habang nakikipagdiskusyon pa rin si Kakai sa guard, may tinawag na isang tao ang petite actress at sinabi nitong pinapa-packup na raw ni Maja ang set dahil umiinit na ang ulo ng singer-comedienne-actress.


Binulungan naman ni Maja ang guard at sinabing, "Sabihin mo sa kanya, 'You got pranked.’"


Humagalpak na lang nang tawa ang mga ito nang malamang prank lang pala ang lahat.


Samantala, hindi makapaniwala si Maja na ni-like ng isa sa mga stars ng Keeping Up with The Kardashians na si Khloe Kardashian ang kanyang Instagram post.


At para mapatunayang totoong si Khloe ang nag-like ng kanyang post ay nag-research ang aktres. Baka raw kasi fake account lang ang ginamit using Khloe Kardashian.


Nakumpirma ni Maja na official ang Instagram account na gamit ni Khloe.


Tatlong Instagram posts ang ni-like ni Khloe tungkol sa kanyang teleserye na napapanood sa TV5, ang Niña, Niño.


Ni-like rin ni Khloe ang YouTube vlog ng aktres na kasama ang boyfriend na si Rambo Nuñez kung saan may pinapuputok silang water balloons habang may mga sinasagot na tanong.


Thru her socmed ay nagpadala si Maja ng selfie photo with bouquet of flowers para kay Khloe for her appreciation.


Nag-post din si Maja sa kanyang Instagram story. Aniya pa, “Liked by the one and only Khloe Kardashian."


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page