top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Komedyana, cover girl… RUFA MAE, AYAW PANIWALAAN NG MISTER NA PUMASA SA HOLLYWOOD MAGAZINE

BULGAR
May 6, 2021
1 min read

Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | May 06, 2021




Gusto rin pala ng mister ni Rufa Mae Quinto na si Trevor Magallanes na pag-artistahin ang anak nilang si Alexandria Athena, kaya sinasabihan na niya si P-Chi (RMQ) na ipakilala na nito sa mga movie producers ang kanilang anak para mabigyan na ng exposure.


Pero, ang gusto munang unahin ni Rufa Mae ay pabonggahin ang kanyang pagka-comeback sa showbiz. Gusto muna niyang ma-expose siyang muli sa mga TV shows at pelikula para maalala ng kanyang mga fans.


Kaya kahit na via Zoom ay nagge-guest siya sa ilang shows ng GMA-7 tulad ng Daddy's Gurl at sa segment na Bawal Judgmental sa Eat… Bulaga!.


Sa GMA Network nagtagal si RMQ kaya rito niya gustong mag-guest.


Kinarir din nang husto ni Rufa Mae ang kanyang sexy pictorial para sa isang Hollywood magazine. Kasama niyang na-feature rito ang mga sikat na Hollywood stars.


Talagang pasabog at hindi nagpakabog si RMQ sa kanyang sexy pictorial. Bumalik na ang dati niyang sexy figure at hindi mo aakalain na nanganak na siya.


Maging ang kanyang mister na si Trevor ay hindi makapaniwala na pumasa si Rufa Mae para sa nasabing Hollywood magazine pictorial.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page