Kobe Paras, maglalaro na rin sa Japan B. League
- BULGAR
- Sep 6, 2021
- 1 min read
ni VA - @Sports | September 06, 2021

Umabot na sa bilang na pito ang mga kabataang basketbolistang Filipino.na kinuha para maglaro bilang Asian import sa Japan B. League.
Ang ikapito at pinakabagong nadagdag ay ang dating Gilas Pilipinas cadet na si Kobe Paras.
Kahapon, inanunsiyo ng koponang Niigata Albirex na lumagda ng kontrata sa kanila ang second-generation player para maglaro sa 2021-22 B.League season.
Si Paras ang kauna-unahang manlalarong kinuha ng Niigata upang maging Asian import. "We are pleased to announce that we have signed with Kobe Paras for 2021-2022 season," nakasaad sa post ng team sa kanilang opisyal na social media page. "I am honored to have the opportunity to be part of a great team in a great league this time," pahayag naman ni Paras. "I am looking forward to playing the role that coach Fujitaka Hiraoka," dagdag nito. "I can't wait to be a better player and work hard to make lifelong memories with my teammates, staff and great fans."
Humanay si Paras kina Thirdy Ravena (San-En NeoPhoenix), Kiefer Ravena (Shiga Lakestars), Juan Gomez de Liano (Earthfriends Tokyo Z), Bobby Ray Parks Jr. (Nagoya Diamond Dolphins), Javi Gomez de Liano (Ibaraki Robots) at Kemark Carino (Aomori Wat's) na naunang kinuha bilang mga Asian import sa B.League. Ang Niigata ay kabilang sa mga koponang naglalaro sa first division.





Comments