top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Knows mo na, Iñigo?... MARIS AT KOKOY, 'HULI SA AKTO', VIDEO VIRAL NA

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 26, 2020
1 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | November 26, 2020




Hindi alam nina Kokoy De Santos at Maris Racal na kinukunan sila ng video habang nag-uusap sa isang couch at wala silang pakialam sa mga tao sa paligid nila.


Ang eksena ay seryosong nag-uusap sina Kokoy at Maris, itinungkod ng aktor ang kaliwang palad sa mukha niya malapit sa aktres na humilig lalo sa couch at biglang nagtawanan at sabay himas ng binata sa mukha ng dalaga.


Hindi kami sigurado kung naka-break sila sa eksena nila sa teleseryeng Stay In Love na nagsimulang umere nitong Martes, 9:30 PM sa TV5.


Ang nasabing video ay ipinost ni Pooh sa kanyang Twitter account at marami ang nag-retweet nito.


Habang pinapanood namin ang 22-second video na umabot na sa kulang 100 K views nitong Martes ay narinig namin sa voice over, “Naku-naku, maraming love life na masisira. Ano ba pinag-uusapan?”


Sa ginanap na virtual mall show ng cast ng Stay In Love sa pangunguna nina Kokoy at Maris na ginanap sa Cornerstone Studios habang naka-FB Live naman ang TV5 na napapanood sa lahat ng Vista Mall branches ay pansin na pansin na nakadikit ang aktor sa aktres.


Hindi namin alam kung gimik ito o sadyang nagkapalagayan na kaagad ng loob sina Kokoy at Maris sa unang beses nilang pagtatrabaho sa romantic seryeng Stay In Love bilang sina Diding at Dodong produced ng Cignal at Cornerstone Studios kung saan co-stars nila sina Ruffa Gutierrez, Bobby Andrews, Marc David at Pooh.


Napanood na rin kaya ni Iñigo Pascual na ex-BF (?) ni Maris ang naturang video?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page