top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Knows mo ba 'yan, Marian? TANYA, IBINULGAR KUNG BAKIT 'DI PINATOS SI DINGDONG

BULGAR
May 12, 2021
1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | May 12, 2021




May nalaman ang mga subscribers ng YouTube vlog ni Carmina Villaroel tungkol kina Dingdong Dantes at Tanya Garcia na kung inyong natatandaan, ibini-build-up noon na love team ng GMA-7.


Maganda si Tanya at guwapo si Dingdong, pero bakit nga hindi naging sila? Bakit hindi sila nagkainlaban?


Ayon kay Tanya, ang ex-GF ni Dingdong na si Antoinette Taus ang dahilan dahil kaibigan niya ito. Nahiya siguro si Tanya na mabalitaan ni Antoinette na nang umalis ito, siya na ang GF ni Dingdong. Kaya ang pagka-crush niya kay Dingdong, hanggang crush na lang.


Happily married na si Tanya kay Mark Lapid.


Sina Tanya at Carmina naman ay magkasama sa Afternoon soap ng GMA-7 na Babawiin Ko Ang Lahat na malapit nang magtapos. Bumalik na ang karakter ni Tanya at katakut-takot na komprontasyon nila ni Carmina ang mangyayari.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page