Knows mo ba 'to, Arjo?... JAKE, IBINUKING NI JINGGOY TUNGKOL KAY MAINE

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | October 23, 2020

Sa Facebook live ng dating senador na si Jinggoy Estrada, guest niya ang nakababatang kapatid na si Jake Ejercito. Animo ay nakaupo sa hot seat si Jake nang mag-guest sa programa ng kapatid titled Jingflix.
Habang namumudmod ng prizes ang aktor-pulitiko via Zoom ay nakatsikahan niya si Jake. Binati niya ang younger brother sa bago nitong show sa TV5, ang Sunday Noontime Live.
Tinanong ni Jinggoy kung okay ba ang talent fee ng kapatid sa programa. Sagot ni Jake, "Sakto lang."
Isang tanong pa ang ibinato ni Jinggoy kay Jake. Kung sakaling magkakaroon daw siya ng pelikula o isa pang show, sino ang gusto niyang maka-partner?
Si Liza Soberano ang unang isinagot ni Jake.
Nagpasintabi rin siya sa KathNiel fans dahil aminado siyang fan siya nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Maya-maya’y nagtanong muli si Jinggoy. Okay naman daw ba si Maine Mendoza na makatrabaho niya? Umoo naman agad si Jake, kaya lang, may Arjo Atayde na raw kasi si Maine.
Agad namang bumuwelta ang dating senador, “Pero ano 'yung ipinakita mo sa akin noon?”
Natigilan si Jake at hindi nakasagot.
Sinabihan niya ang kanyang big brother na 'wag na raw siyang intrigahin.
Tawa nang tawa si Jinggoy dahil naisahan niya ang guwapong half-brother.
Dahil sa pambubuking ni Jinggoy, na-curious ang mga netizens kung may ‘something’ daw ba noon sina Jake at Maine.
Naging parte rin kasi si Jake ng kalyeserye noon nina Maine at Alden Richards.





Comments