Klase sa mga apektado ng lindol, suspendido
- BULGAR

- 12 hours ago
- 1 min read
ni Mylene Alfonso @News | June 9, 2026

Photo: PCO
Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pansamantalang suspensyon ng klase sa lahat ng antas sa mga lugar na naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Maasin, alas-7:37 ng umaga.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, inilabas ng Pangulo ang direktiba habang pinaigting ng mga ahensya ng gobyerno ang response efforts sa mga apektadong komunidad.
Sa paunang ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), tectonic ang pinagmulan ng lindol at naganap ito sa lalim na 33 kilometro, habang inaasahan din ang mga aftershock at posibleng pinsala.
Iniutos din ng Pangulo sa lahat ng kaukulang ahensya ng gobyerno na gamitin ang lahat ng available na resources at agarang tugunan ang mga pangangailangan ng mga residenteng naapektuhan.
Inatasan din ang Office of Civil Defense at ang National Disaster Risk Reduction and Management Council na pangunahan ang monitoring at disaster response operations, habang inutusan naman ang Department of Social Welfare and Development na ihanda ang relief assistance at tiyakin ang kahandaan ng mga evacuation centers.





Comments