top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Kinumpirma ng bossing ng Siyete... JOHN LLOYD, MALAYA NA SA DOS

BULGAR
Jun 13, 2021
1 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | June 13, 2021




Hindi naka-attend ang Kapuso executive na si Ms. Annette Gozon-Valdez sa live TV special ni Willie Revillame para sa Shopee na ginanap sa Smart Araneta Coliseum last June 6.


Isa si John Lloyd Cruz sa mga special guests ni Kuya Wil at 'yun din ang first appearance ng actor sa kanyang pagbabalik-showbiz.


Nang tumambad sa entablado si John Lloyd at i-greet ang mga fans at audience ay may hinahanap ang kanyang mga mata - ang GMA Pictures president na si Ms. Annette.

Sey ni Lloydie, “Ba’t wala ka dito, Ma’am?”


Agad naman siyang kumambiyo at sinabing pupuntahan niya para bisitahin ang GMA executive na kagagaling lang sa sakit at nagre-recover pa.


“Hindi, d’yan ka lang. Kung puwede, kami ang pupunta sa ‘yo. Pahinga ka muna, pahinga ka at magkikita rin tayo.”


Maraming avid viewers ng Kapuso ang nagre-request na sana raw ay magkaroon ng reunion movie sina JLC at Jennylyn Mercado.


May nagsasabi namang ngayong nasa network na si Lloydie, mukha raw nape-pressure ang ibang Kapuso actors sa pagdating ng dating Kapamilya actor, lalo pa’t in-assure na ni Ms. Annette na libre na umano si JLC sa contractual obligations nito sa ABS-CBN.


“I was the one who talked to John Lloyd, and he assured us that wala na raw talaga siyang contractual obligations. So, wala nang hadlang, wala nang obstacle in the way for him to appear on GMA,” saad ng GMA executive sa isang panayam.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page