Kinumbinse ang mga Pinoy… KATHRYN AT DANIEL, FULLY VACCINATED NA VS. COVID-19
- BULGAR
- Jul 26, 2021
- 1 min read
ni Julie Bonifacio - @Winner | July 26, 2021

Fully vaccinated na ang Kapamilya couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Kahapon ay ipinost ni Kathryn sa kanyang Instagram account ang video habang itinuturok ang ikalawang dose ng COVID-19 vaccine niya sa Makati City.
Matatandaang sabay nagpabakuna for their first dose ang on-and-off screen couple sa sanib-puwersang kampanya ng Actor’s Guild sa pamumuno ng aktor na si Rez Cortez at ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) last June 21.
Mapapanood sa video na talagang tiningnan ni Kathryn nu’ng iturok ang karayom sa kanyang braso. Mabuti na nga naman ‘yung sigurado.
Anyway, gaya ng ibang celebrities ay inengganyo rin ni Kathryn ang ating mga kababayan na magpabakuna na laban sa COVID-19.
Caption ni Kathryn sa kanyang IG post: “2nd dose done! Pabakuna na rin po kayo.”
Pinusuan ng ilang celebrity friends niya on Instagram gaya nina Ruffa Gutierrez at Arlene Muhlach ang naturang post.
Sey naman ng mga netizens: “Yaassss!! A vaccinated queen.”
“Bravo in doing your part to help the country go vaccinate to normal!”
“Good JAB!”








Comments