Kings 'di dapat magkamali, 5G 'di kukurap sa do-or-die
- BULGAR

- 5 hours ago
- 2 min read
ni Anthony E. Servinio @Sports | June 17, 2026

Photo: PBA
Laro ngayong Miyerkules - MOA
7:30 PM Ginebra vs. TNT
Walang puwang para magkamali sa Game 7 ng 2026 PBA Commissioner's Cup Finals ng defending champion TNT Tropang 5G at Barangay Ginebra. Asahang aapaw ngayong Miyerkules ang MOA Arena.
Mas malalim na tulong ang natanggap ng TNT matapos ang 98-90 panalo sa Game 6 noong Linggo sa Araneta Coliseum. Lumaki ang pag-asa na maglalaro ng kumpleto ang mga kampeon sa gitna ng marami nilang pilay.
Sa likod ng kumukulong 54 puntos at 22 rebounds ni Chris McCullough, sapat na iyon para takpan ang nawalang numero nina Calvin Oftana at Brandon Ganuelas-Rosser. Sumuporta sina Jordan Heading na may 19 at Roger Pogoy na may 13.
Ayon kay Coach Chot Reyes, doble trabaho ang kanilang PT at doktor upang maghilom agad sina Oftana (binti) at BGR (bukong-bukong) na parehong napilay sa Game 5 noong Biyernes. Magpapasya kung gagamitin ang dalawa sa oras mismo ng laro at makakabuti ang dalawang araw na pahinga.
Nasayang ang 52 ni Best Import Justin Brownlee at muntik na niyang tumbasan ang 54 sa 100-95 overtime panalo sa Game 5. Malaking suliranin na walang kakampi ang umabot ng 10 at 9 lang si Troy Rosario, 7 nito sa unang quarter.
Umabot din ng Game 7 ang huling Commissioner's Cup. Nanaig ang Tropa sa Gin Kings sa overtime, 87-83 sa Araneta Coliseum upang sundan ang panalo sa Game 6 sa parehong iskor.
Upang hindi maulit ang nakaraan, mahalaga na umangat muli ang laro nina Scottie Thompson at Best Player of the Conference RJ Abarrientos na hinanap ng Barangay sa Game 6. Pinagsamang 9 na puntos lang ang karaniwang malupit na tambalan.





Comments