Gawilan ginto para Asiad, qualified na sa L.A. Olympics

by Gerard Arce @Sports News | October 20, 2026

Photo: Edad 35 na si veteran swimmer Ernie Gawilan pero nagawa pa niyang madepensahan ang kanyang korona sa Asian Para Games. (pscmedia)
Sinisid ni Filipino Paralympian Ernie Gawilan ang unang gintong medalya ng Pilipinas kasunod ng impresibong langoy para kunin ang kabuuang ika-limang korona sa Asian Para Games matapos pangunahan ang men’s 400-meter Freestyle S7 kahapon sa Rainbow Pool ng Nagoya City General Gymnasium sa Nagoya, Japan.
Nilangoy ng 35-anyos Davaoeño ang 4.56.72 upang higitan ang Chinese swimmer na si Zhang Yilong sa 5:01.36 sa silver medal at Singaporean na si Toh Wei Soong sa 5:24.2. Unang ginto si Gawilan 2018 Jakarta at 2022 Hangzhou Games, habang puntiryang makuhang muli ang 100m backstroke at 200 m individual medley, na nakuha ang korona sa 2019 Jakarta meet.
Nakasisiguro na rin ito ng isang puwesto sa 2028 Los Angeles Paralympics, na hinahanap ang kauna-unahang medalya sa Summer Games matapos lumahok sa 2016 Rio de Janeiro at 2020+1 Tokyo. “He’s already qualified in the 2028 LA Olympics because of his time,” pahayag ni para swimming coach Tony Ong.
Sina Edwin Vilanueva at Muhaimin Ulag ay tumapos sa 10th place sa 400m freestyle S8 sa 6:22.33, at 12th place sa men’s 200-meter individual medley SM9 sa 3:04.30.
Parehong kapalaran rin ang sinapit nina Patrick Lee at Arthus Bucay na tumapos ng 12th at 14th sa track cycling’s 1,000-meter time trial sa inirehistrong 1:14.888 at 1:19.496, ayon sa pagkakasunod sa Izu Veledrome.





Comments