top of page
SHOWBIZ SPECIAL - GARY V., ‘DI UBRANG MAGPA-STEMCELL-IG _garyvalenciano.jpg

Kinasuhan sa dating data practices... Grindr, magbabayad ng P2.2B

Writer: BULGAR
BULGAR
5 hours ago
1 min read

ni Justine Berganio @Overseas News | September 9, 2026



Kinasuhan sa dating data practices... Grindr, magbabayad ng P2.2B

Photo: Circulated / Grndr



Magbabayad ang LGBTQ+ dating app na Grindr ng £26 milyon (P2.2B) para maayos ang kaso kaugnay ng alegasyong ibinabahagi nito sa third parties ang sensitibong impormasyon ng users, kabilang ang HIV status.


Dalawang hulog na tig-£13 milyon (P1.1B) ang settlement, na unang babayaran bago matapos ang Disyembre at ang ikalawa bago Marso 31, 2027. Iginiit ng kumpanya na hindi ito pag-amin ng pananagutan.


Mahigit 11,000 claimants ang sumali sa class action suit na unang isinampa sa UK High Court noong 2024 bago itinuloy sa US. Kabilang umano sa mga sensitibong datos na sangkot ang sexual orientation, ethnicity at impormasyon tungkol sa HIV status at testing.


Dalawang data analytics firm, ang Apptimize at Localytics, ang tinukoy na nagkaroon ng access sa impormasyon na maaari umanong gamitin sa pag-target ng advertisements.


Ayon sa Grindr, nakatuon ang mga reklamo sa data practices bago ang 2020, noong pagmamay-ari pa ito ng Chinese company na Kunlun. Sinabi rin nito na binago na ang privacy practices mula noong 2020 upang higit na maprotektahan ang mga user.


Nauna nang pinagmulta ang Grindr ng £5.5 milyon (P456M) ng Norwegian data protection watchdog at sinita rin noong 2022 ng UK Information Commissioner’s Office dahil sa data practices nito.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page