Kinasuhan ng P1 B cyber libel… ENCHONG, WANTED!
ni Janiz Navida @Showbiz Special | January 29, 2022

Marami ang nag-alala at natakot para kay Enchong Dee matapos lumabas sa isang entertainment site ang balitang diumano'y nagtatago ang aktor na sinampahan ng P1 billion cyber libel case ni DUMPER Partylist Rep. Claudine Bautista-Lim na pinuna niya dahil sa sobrang bonggang kasal sa Balesin Island.
Ayon sa headline at laman ng balita, hindi umano nai-serve ang warrant of arrest kay Enchong nu'ng January 26 nang puntahan ang Kapamilya actor sa Cubao, ang address na nakalagay sa record ng korte, dahil hindi nila ito nakita roon.
Ang siste, ayon sa mga kapitbahay ng lugar na pinuntahan ng mga authorities na nagdala ng warrant of arrest, boarding house lang 'yun na pag-aari ni Enchong pero hindi naman du'n nakatira ang aktor kaya paano siya makikita ru'n?
Samu't sari naman ang naging reaksiyon ng mga netizens sa lumabas na balita.
Sabi ng una, "Good luck, Enchong."
Natakot namang sabi ng isa, "Oh, my God, may warrant of arrest na."
Sulsol ng isang "Marisol", "Run, Enchong, run!"
May pag-aalala naman ang tono ng isang netizen, "Looks like hindi papayag sina Congresswoman na magpaareglo. Let this be a lesson for all of us na bago magsalita, dapat may resibo."
Tanong-pagtatanggol naman ng isa pang netizen, "Non-bailable ba ang libel? I think if it's bailable, hindi naman siya magtatago. Baka 'yun lang ang address na ginamit niya pero malamang, may iba talaga siyang properties."
"Baka nasa Bicol, nagbakasyon sa hometown niya," pasubali naman ng isa pang fan.
Naaawang komento ng isa, "Oo, mali na si Enchong. Pero nalalakihan ako sa P1 Billion. Lahat ba 'yun, ipapabayad sa kanya?"
Pag-agree ng isa pa, "Although may mali si Enchong (obviously kasi nag-apologize pa nga siya), I think hindi dapat pumasa sa piskal 'yung P1B na demand. In the millions siguro, justifiable 'yun. Pero P1B? Nah. 'Di nga siya kilalang mayaman sa labas ng area niya (unlike the Sys, Zobels, etc.)
"If it were another person filing the lawsuit, papayag din kaya ang piskalya? O dahil lang rich and powerful sa area nila 'yung nag-file?" hirit ng netizen na mukhang na-OA-yan sa P1 bilyong cyber libel case against Enchong, na so far, first time nga naman sa mga showbiz celebrities na kinasuhan nang ganito kalaki.
Ang iba namang fans and supporters ay pinalakas ang loob ni Enchong sa pagsasabing ipinagdarasal nila ang aktor.
"Tatagan mo pa loob mo Enchong. Pray, pray, pray! Sana naman, bigyan ng support si Enchong ng mga friends niya."
Samantala, tsinek namin ang Instagram account ni Enchong para malaman kung nasaan nga kaya ang aktor at base sa mga latest posts niya na naka-disable ang comment box, parang chillax na chillax naman siya habang nasa beach, nasa isang coffee shop at nasa barber shop.
So, kung true na nagtatago si Enchong, hindi na siguro siya magpo-post kung nasaan siya, 'di ba?
Sundan na lang si Enchong sa IG niya ng mga taong naghahanap sa kanya. Lol!





Comments