Kinasuhan ng inabandona raw na anak… RICHARD, GAME MAGPA-DNA
ni Nitz Miralles - @Bida | November 5, 2021

Sumabay sa promo ng I Left My Heart in Sorsogon ang tsika na may anak sa labas ang leading man ni Heart Evangelista sa nasabing rom-com series ng GMA-7 na si Richard Yap.
Sa November 15 ang world premiere ng first project pa naman ni Richard sa GMA-7, heto at first week ng November, lumabas ang isyu na anak niya ang isang nagngangalang Joshua Paolo Jansen na taga-Bacoor, Cavite.
Willing magpa-DNA test si Joshua at nag-file na rin ng kaso sa RTC Cebu para raw pilitin si Richard na kilalanin siyang anak nito. Nabanggit din ni Joshua na matagal na niyang gustong makipag-usap kay Richard, hindi lang siya nagtatagumpay.
Sa panig ni Richard, itinanggi nitong kilala si Joshua dahil hindi siya nanirahan sa Bacoor, na totoo naman dahil taga-Cebu talaga siya at nag-stay lang sa Manila nang mag-artista na. Willing si Richard na magpa-DNA test para magkaalaman na at matapos na ang isyu.
Naniniwala si Richard na may halong pulitika ang kasong isinampa sa kanya dahil nga tatakbo siyang representative sa 1st District ng Cebu. Alam na ng aktor at ng kampo nito kung paano ito sasagutin.





Comments