Kinarir din daw ng aktor… AGA vs. PACQUIAO SA BOXING RING, EXCITING!
ni Janiz Navida @Showbiz Special | July 15, 2022

Sa wakas ay napapayag na rin ang magaling na movie dramatic actor at Box Office King na si Aga Muhlach na gumawa na rin ng movie serye sa TV!
True!!! First time ever nga itong ginawa ni Aga, kaya out of curiosity, ang tanong sa kanya ng press ay ano'ng dahilan at bakit napapayag na siyang bumida na rin sa movie serye at bakit ngayon lang, sa TV5 pa at hindi sa ABS-CBN na matagal niyang itinuring na home network.
Sa ginanap na Zoom mediacon kahapon para sa Suntok sa Buwan ng TV5, paliwanag ni Aga, "Sabi ko sa sarili ko, gagawa lang ako ng serye 'pag sa Baguio ang location para malamig."
Very close sa puso ni Aga ang Baguio dahil du'n sila ikinasal ng asawang si Charlene Gonzales.
Dagdag niya, "Nu'ng in-offer nila sa akin, nagandahan talaga ako (sa story) kasi ibang-iba at feeling ko, kaya kong gawin. At the same time, Baguio pa ang location niya."
Gagampanan ni Aga Muhlach ang papel ni Jimmy Boy, isang retiradong boksingero na na-diagnose ng Stage 3 cancer.
Dahil dito, naging hadlang sa kanyang anak na si Dos (gagampanan ni Elijah Canlas), ang pangarap niyang maging propesyonal na boksingero ito tulad niya.
Ang dalawa ay makikipagsapalaran sa mga pagsubok na magpapatatag sa kanilang pagsasama bilang mag-ama, at magtutulak sa isa sa kanila na gumawa ng matinding sakripisyo.
Nabanggit at inamin ni Aga sa mediacon na in real life, hilig niya ang boxing kaya tinanong namin kung bakit hindi niya kinarir ito? Afraid ba siyang masira ang kanyang kaguwapuhan?
Big reveal niya, early 2000 pa lang daw ay nagba-boxing na siya at sumasali pa nga sa ilang competition.
'Yun nga lang daw, hindi niya ipinag-iingay ito, na ewan kung dahil ayaw niyang matakot at mag-alala ang kanyang mga fans.
Sayang at hindi na kami nakapag-follow-up question kay Aga kung game at payag kaya siya sakaling i-push ng ilang boxing fanatics na magkaroon sila ng boxing match ng Pambansang Kamao na si Sen. Manny Pacquiao.
If ever, tiyak na sold-out ang ticket dahil super exciting 'yun, devah naman?
Sa direksiyon ni Geo Lomuntad, ang Suntok Sa Buwan ay ibinahagi ng mga award-winning direktor na sina Antoinette Jadaone at Dan Villegas, kasama ang Project 8 at Cignal Entertainment.
Huwag palampasin ang kauna-unahang movie serye ni Aga Muhlach sa telebisyon dahil simula ngayong Hulyo 18, mapapanood na ang Suntok sa Buwan sa TV5 at 7:15 PM.
Kasama rito ni Aga at gumaganap na anak niya ang magaling ding aktor na si Elijah Canlas.





Comments