Kina Luis at Jessy, hindi pa… EDU, IPINAKILALA NA SI CHERRY PIE SA PAMILYA SA TATE
ni Janiz Navida @Showbiz Special | December 07, 2021

Sina Janine Gutierrez at Paulo Avelino ang unang natsismis na mukhang magkakadebelopan dahil sa kanilang team-up sa ABS-CBN seryeng Marry Me, Marry You, pero mas nauna pang umamin sina Edu Manzano at Cherry Pie Picache na kasama rin sa cast ng serye at gumaganap na mga magulang ni Paulo.
In fact, kahit kailan lang nakumpirmang sina Edu at Pie na, ang dami agad naging fans ng kanilang real-life tandem at wish nga ng madlang pipol ay pang-forever na nila ang isa't isa.
Kilig much kasi ang hatid ng kanilang mga sweet moments na naipo-post sa social media at kesehodang hitsurang mga bagets sila, tanggap ng mga supporters nila at 'di pangit tingnan.
Mapapa-sana all ka na lang talaga.
Ang latest sa EduPie, ipinakilala na pala ng Daddy Yo ni Luis Manzano ang kanyang bagong girlfriend sa kanyang mga kapamilya sa USA. At sana, pagbalik ng ‘Pinas, kina Luis at Jessy Mendiola naman.
Si Edu pa mismo ang nag-post sa kanyang Instagram account ng family picture at reunion nila kasama ang kanyang GF na si Cherry Pie.
Caption dito ng padir ni Luis, "Bros and Sis, in-laws, children, cousins, apos & Pie. Mi familia.
The best day of my 2021. Never realized how much I missed them until we celebrated Thanksgiving together. I love my family!"
Oh, ha?! THE BEST DAY OF MY 2021… sabeeeeeh?!
Naku, iba na talaga ang in love!!!
Parang nakikini-kinita namin ang pagba-blush at pagkukulay-pink ng mga pisngi ni dating OMB Chairman Edu kapag tinukso namin siya kay Ms. Cherry Pie.
Sige, humayo kayo at… magpakasaya!!!
Ohhh, akala n'yo magpakarami, 'no?! Huy, 'wag ganu'n! Char!!!





Comments