KIM, TANGGAP NA MAY IBANG BABAE SI XIAN
- BULGAR
- Dec 22, 2021
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | December 22, 2021

As per Director Irene Villamor's post, comedy ang False Positive, ang mini-series na pinagtatambalan nina Glaiza de Castro at Xian Lim. Hindi mabibigatan ang mga viewers kapag pinanood ito.
Si Direk Irene na rin ang nagpakilala sa karakter ni Glaiza na gaganap na si Yannie dela Guardia.
Asawa niya si Xian bilang si Edward dela Guardia. Newlywed couple ang role ng dalawa at marami silang kissing scenes at iba pang kilig moments.
Hindi magseselos ang mga fans nina Xian at Kim Chiu kay Glaiza dahil alam nilang engaged na ito kay David Rainey. In fact, ipinakilala ni Glaiza si Xian kay David as her love team at hindi na nagtanong pa.
As for Xian, hindi na kinailangang magpaliwanag pa siya kay Kim dahil alam nito ang nature ng trabaho niya dahil pareho silang artista.
Nabanggit din naman ni Kim na nagsusuportahan sila ni Xian at naintindihan niya kung bakit kinailangan nitong tumanggap ng project sa GMA-7.
Ang nabasa namin, February 7 ang premiere ng False Positive na hindi sinabi ang time slot. Malamang ay sa primetime slot ito ilagay ng GMA-7.





Comments