top of page
Search
  • BULGAR

KIM SO HYUN, KINANTA ANG HULING SOUND TRACK NG QUEEN OF TEARS

ni Rensel Sabando @Entertainment | April 29, 2024



Inilabas na ng Super Sound Bugs ang MV (music video) para sa special original soundtrack ng Queen of Tears na kinanta mismo ni Kim So Hyun.


Ang title ng kanta sa English translation nito ay "Way Home," kung saan konektado sa umereng last episode nito.


Samantala, ayon sa Nielsen Korea, naungusan na ng QoT (Queen of Tears) ang Crash Landing on You na pinagbidahan nina Son Ye Jin at Hyun Bin.


Sa ngayon, patuloy na sinasakop ng QoT ang buong social media at nakakatanggap ng mga positibong komento mula sa netizens.


Well, sinasabi naman ng TvN sa kanilang Instagram na magkakaroon ng special episodes ang nasabing serye bilang regalo raw nila ito sa mga fans nina Baek Hyun Woo (Kim So Hyun) at Hong Hae In (Kim Ji Won).

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page