top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Kim, nainggit, ganu'n din daw ang sasabihin kay Gerald…

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 12, 2020
1 min read

VICE, TODO-TENKYU SA EX-BF NA PINAKAWALAN SIYA DAHIL NAKATAGPO NG LEVEL-UP KAY ION

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | December 12, 2020




Game na game si Kim Chiu sa mga biruan nila ni Vice Ganda nitong Thursday (December 10) sa It's Showtime's Tawag ng Tanghalan segment.


Tinanong ni Vice si Kim kung ano ang sasabihin niya sa kanyang ex-boyfriend sakaling magkrus ang kanilang landas isang araw.


"Ikaw, Kim Chiu, nakasalubong mo siya, magkasama silang dalawa," tanong ni Vice kay Kim.

Obviously, ang pinatutungkulan dito ni Vice ay ang ex ni Kim na si Gerald Anderson na nali-link ngayon kay Julia Barretto.


Agad namang tugon ni Kim, sasabihin niya sa kanyang ex-bf, "Eh, di kayo na!"


Sige pa sa pagbibiro si Vice kay Kim, "Magkasama silang dalawa, masaya pa."


Ganti naman ni Kim, "Kakalabitin kong ganyan. Eh, di wow!"


Para naman kay Vice, sakaling magtagpo sila ng ex, ganito ang kanyang sasabihin sa bagong karelasyon nito, "Pakisabi sa jowa mo, salamat. Salamat dahil noon, ako ‘yung pinili niyang i-give-up. At noong pinili niya akong i-give-up, nakatagpo ako ng level-up.”


Buwelta ni Kim, “Gusto ko rin ng ganyan! 'Yan na lang din pala 'yung akin!” sabay tawa.


"Sige, ise-share ko sa 'yo 'yun, text-text na tayo," ganting biro ni Vice.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page