DSWD guarantee letters, stop muna simula Nov. 30

ni Mylene Alfonso @News | November 25, 2026

Photo: Ang pag-iisyu ng guarantee letters o GLs - DSWD
Pansamantalang ititigil ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pag-iisyu ng guarantee letters (GLs) sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program simula Nobyembre 30, 2026.
Ayon kay DSWD spokesperson Asec. Irene Dumlao, layunin nitong mabigyan ng panahon ang ahensya na makumpleto ang taunang liquidation process at mabayaran ang mga natitirang obligasyon sa mga service provider.
Nilinaw naman ng DSWD na magpapatuloy ang pagbibigay ng cash assistance sa mga indibidwal at pamilyang nangangailangan sa pamamagitan ng mga field office at satellite office nito sa buong bansa.
Inaasahang magpapatuloy ang pag-iisyu ng guarantee letters sa unang opisyal na araw ng trabaho sa Enero 2027.





Comments