top of page
Donny Pangilinan - IG.jpg
Search

ni Justine Berganio @Overseas News | September 18, 2026



Doctor and nurse in a South Korean hospital and NICU - FP

Photo: File



Planong gawing available sa South Korea ang medication abortion para sa pagbubuntis hanggang siyam na linggo pagsapit ng Marso 2027, matapos ang ilang taong kawalan ng malinaw na sistema sa paggamit nito.


Ayon sa gobyerno, sa unang dalawang taon ay maaaring magreseta at mag-dispense ng gamot ang mga doktor sa malalaking ospital habang binubuo ang mga safety protocol at monitoring system.


Kapag naitatag na ang safeguards, lilipat ang sistema kung saan doktor ang magrereseta at independent pharmacies naman ang magdi-dispense ng gamot.

Layunin ng hakbang na maiwasang mapunta ang mga babae sa ilegal na gamot at posibleng delikadong paraan dahil sa matagal na legal at regulatory vacuum matapos mawalan ng bisa ang criminalisation ng abortion noong 2021.


Noong 2019, ipinasiya ng Constitutional Court na labag sa Konstitusyon ang abortion ban at inatasan ang Parliament na baguhin ang batas bago matapos ang 2020, pero wala pa ring kapalit na batas na naipapasa.


Hindi pa agad mabibili ang gamot dahil kailangan muna itong aprubahan ng Ministry of Food and Drug Safety. Nasa review pa ang aplikasyon ng Hyundai Pharm para sa Mifegymiso, isang kombinasyong mifepristone at misoprostol.


Sinabi ng mga health official na malaking bahagi na ng pagsusuri ang natapos at target na maipasok ang gamot sa unang quarter ng susunod na taon kapag kumpleto na ang requirements sa importasyon at personnel.


Samantala, bubuo rin ang gobyerno ng clinical guidelines, monitoring system para sa adverse reactions at mga pagbabago sa Criminal Act at Maternal and Child Health Act upang tugunan ang mas malawak na legal gap.


Iginiit ni Prime Minister Han Seong-sook na hindi layunin ng programa na hikayatin ang abortion kundi maprotektahan ang public health at kaligtasan.


 
 

ni Justine Berganio @Overseas News | September 17, 2026



Ang pinasabog na joint liaison office sa South Korea, border town ng Kaesong, North Korea noong June 16, 2020

Photo: Ang pinasabog na joint liaison office sa South Korea, border town ng Kaesong, North Korea. - KCNA / Reuters



Inutusan ng Seoul Central District Court ang North Korea na magbayad ng 44.6 bilyong won o tinatayang $32.5 milyon (P2B) sa South Korean government dahil sa pagwasak sa Inter-Korean Liaison Office sa Kaesong noong 2020.


Unang pagkakataon na nagsampa ng direktang damages case ang South Korean government laban sa North Korea. Isinumite ang kaso noong Hunyo 2023, tatlong taon matapos pasabugin ng Pyongyang ang gusali.


Itinatag ang liaison office noong 2018 bilang daan para sa komunikasyon at kooperasyon ng dalawang Korea, ngunit sinira ito ng North Korea noong Hunyo 2020 matapos lumala ang tensyon kaugnay ng anti-Pyongyang leaflets na ipinapadala mula sa South Korea.


Gayunman, hindi malinaw kung makokolekta ng Seoul ang ipinag-utos na bayad dahil wala itong praktikal na paraan upang pilitin ang Pyongyang na sumunod sa ruling.


Sinabi naman ng South Korean Unification Ministry na nais nitong maibalik ang inter-Korean dialogue at maresolba ang mga isyu sa pamamagitan ng pag-uusap at kooperasyon. 





13-ANYOS NA ESTUDYANTE, ININSULTO, TINAKOT SA LOOB NG BUS, EDAD 50, KULONG


HINDI pinagbigyan ng Bankstown Local Court ang bail ng 50-anyos na si Omar Yassine na kinasuhan matapos umanong insultuhin at takutin ang isang 13-anyos na Muslim student sa loob ng bus sa Sydney, Australia.


Ayon sa police prosecutor, malakas ang ebidensiya laban kay Yassine, kabilang ang video na kuha mismo ng Grade 8 student na naka-hijab at school uniform. Inakusahan siyang sunud-sunod na nang-insulto sa dalagita matapos nitong ipagtanggol ang isa pang babaeng naka-hijab na umano’y kinukuhanan ng litrato.


Mariing itinanggi ni Yassine na siya ang nagsimula ng insidente at sinabing ilang insulto lamang ang kanyang binitawan. May 46-page criminal record din umano siya at katatapos lamang ng isang community corrections order.


Sinabi ni Acting Judge Gary Still na isang vulnerable victim ang 13-anyos at hindi siya pinayagang makapagpiyansa. Kinasuhan si Yassine ng stalking at intimidation with

intent to cause fear, ngunit hindi pa siya kailangang umapela sa mga kaso.


Kinondena naman ng Strathfield MP Jason Yat-sen Li ang insidente at pinuri ang dalagita sa pagsasalita laban sa umano’y racist at Islamophobic abuse. 



 
 

ni Eli San Miguel @Overseas News | Dec. 14, 2024



  • South Korea Unification Ministry / AP

Photo: South Korea Unification Ministry / AP


Nagbigay ng boto sa impeachment ang parliyamento ng South Korea, laban kay Pangulong Yoon Suk Yeol dahil sa kanyang panandaliang deklarasyon ng martial law ngayong buwan.


Pinagtibay ng National Assembly ang mosyon sa botong 204-85 nitong Sabado. Mauudlot ang mga kapangyarihan at tungkulin ni Yoon bilang pangulo matapos maipadala sa kanya at sa Constitutional Court ang mga kopya ng dokumento ukol sa impeachment.


Mayroon ang hukuman ng hanggang 180 araw upang magpasya kung tatanggalin si Yoon bilang pangulo o ibabalik ang kanyang mga kapangyarihan. Kung siya ay mapatalsik sa pwesto, kailangang magsagawa ng pambansang halalan upang piliin ang kanyang kapalit sa loob ng 60 araw.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page