Kim, iniwan sa Kapamilya… XIAN, KUMPIRMADONG KAPUSO NA!
- BULGAR
- Jun 27, 2021
- 1 min read
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | June 27, 2021

Kumpirmado na ngang Kapuso na si Xian Lim at magsasama sila ni Kapuso Ultimate Star Jennylyn Mercado sa isang teleserye.
Ang mini-series na pagsasamahan nina Jen at Xian ay may titulong Love. Die. Repeat. at magsisimula na silang mag-taping this July. Sa September naman ang airing nito.
Matagal nang nakaplano ang nasabing serye for Jen at namimili na lang ng leading man kaya very timely ang pagpasok ni Xian sa Kapuso.
Pero bago ito ay mapapanood muna si Jen sa one-month special ng Daig Kayo ng Lola Ko with Paolo Contis titled Last People on Earth. Magsisimula na ito ngayong July 18, 7:05 PM.





Comments