top of page
Search
  • BULGAR

KIM, BUMIGAY DAW AGAD KAY PAULO, TINAWAG NA CHEAP

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 25, 2024


Showbiz Photo
File photo: Kim Chiu / IG - Paulo Avelino / IG

Maraming fans ng Chinita Princess na si Kim Chiu ang nag-react at tumututol sa balitang may relasyon na nga sila ng kanyang kaparehang si Paulo Avelino. 


Okay lang daw kung maging sweet sila sa isa’t isa habang ginagawa nila ang Linlang at ang What’s Wrong with Secretary Kim. Para naman ‘yun sa promo ng kanilang mga shows dahil nagtutulungan sila para tangkilikin ang kanilang love team at panoorin ang kanilang serye. 


Pero, ibang usapan na raw kung mauuwi na ito sa seryosong relasyon. Mukhang nahulog na nga si Kim sa charm ni Paulo at sey ng mga netizens, parang ang bilis-bilis namang  ma-in love ng Chinita Princess. 


Gusto ni Kim na masabing may jowa na rin siya dahil umamin na si Xian Lim sa relasyon nila ng Viva producer na si Iris Lee. 


Well, para sa iba, parang ang cheap naman kung agad-agad na bumigay si Kim Chiu kay Paulo Avelino dahil lang sa brokenhearted ito.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page