top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

KIM AT XIAN, KALAT NA BREAK NA

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 21, 2023
1 min read

ni Beth Gelena @Bulgary Files | October 21, 2023



Marami ang nagtatanong sa relasyong Xian Lim at Kim Chiu. Palaisipan pa rin kasi sa madlang pipol kung strong pa rin ba ang relasyon ng celebrity couple.


Sa ABS-CBN Ball kasi ay walang escort ang Chinita Princess. At lately daw ay laging nagta-travel na mag-isa nang out of the country ang dalaga.


Tulad na lang nitong mga nakaraang araw sa 12-day suspension ng It's Showtime ay nasa California ang actress-host kung saan nagkaroon siya ng time na mabisita ang kaibigang si Kris Aquino.


Samantala, ang boyfriend niyang si Xian ay may post sa kanyang IG na kung hindi nagsasayaw ay nag-aaral ng piano.


Ang caption niya while taking up piano lesson ay: "Mozart - Turkish March (Rondo Alla Turca) was among the first few classical pieces @mommymaryanne taught me. She offered me ice cream and chocolates for every 30 minutes of practice. Check her page to see my chubby pics.


"It was an honor to play the piano under the baton of Mr. Gerard Salonga."

Mapapansing hindi na itinag ng actor si Kim.


Sa isa nga raw post ni Xian ay may remark siyang inilagay na, "Paki-tag na lang 'yung gusto n'yong isama."


Ano kaya ang ibig sabihin dito ni Xian?


Anyway, makikita ang comment na 'yan sa post ng actor nu'ng October 6 kung saan nakasuot siya ng may nakasulat na: "Pagod na siya."


Ano sa palagay n'yo, madlang pipol? May pinanggagalingan kaya ang hugot post niyang ito?


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page