top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kilig na kilig sa leading man… SANYA, GAME NA GAME KAY GABBY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 26, 2020
  • 1 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | October 26, 2020




Buong-ningning na inamin ni Sanya Lopez na willing siya sakali mang magkaroon sila ng intimate scene ni Gabby Concepcion na leading man niya sa kanyang bagong series sa GMA-7 na First Yaya.


“Ako naman, I always do my best, eh, kung ano man 'yung trabahong ibinibigay sa akin. And if ever na bigyan ako ng mga intimate scenes with him, feeling ko, kakayanin ko naman 'yun dahil 'yun nga, once binigyan ako ng trabaho, ginagawa ko 'yung best ko sa trabahong ibinigay sa akin,” pahayag ni Sanya sa panayam ng GMA-7.


First time na makakapareha ni Sanya si Gabby at kahit hindi pa sila nagmi-meet nang personal, aminado ang aktres na kinikilig na siya sa pagsasama nila ng aktor.


“'Yung kilig na parang fan, ganu'n 'yung pagkakilig ko sa kanya. And 'yun 'yung sinasabi ni Direk LA na 'wag ko munang alisin 'yun, 'yung para akong fan ni Mr. Gabby Concepcion kasi 'yun 'yung gusto niyang ma-catch kapag nagkita na kami roon sa teleserye,” sey pa ni Sanya.


Anyway, perfect fit talaga para sa Kapuso actress ang role ni Yaya Melody sa First Yaya. Sey nga niya, malapit daw sa kanyang pagkatao ang karakter ni Yaya Melody.


“Alam niya kung paano hawakan 'yung isang bagay, 'yung isang sitwasyon. Si Melody 'yung parang kahit ano'ng ibigay mo sa kanya, pakiramdam mo, kakayanin niya. Very positive siyang tao and sobrang matutuwa ka sa kanya."


Sa susunod na buwan ay sasabak na ang cast ng First Yaya sa kanilang locked-in taping.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page