Kier, out! ZOREN AT MGA KAPAMILYA, DINALAW SA BAHAY ANG PAMANGKING SI DANI
- BULGAR

- 2 days ago
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | August 16, 2026

Photo: IG _danibarretto
Ikinuwento ni Zoren Legaspi ang pagbisita ng kanyang pamilya sa bahay ni Dani Barretto kamakailan.
Si Dani ay anak ng utol niyang si Kier Legaspi kay Marjorie Barretto.
Sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), inamin ng aktor na nakunsensiya siya dahil matagal niyang hindi napagbigyan ang mga imbitasyon ng pamangkin hanggang sa natuloy na nga finally.
Aniya, “Yeah. Matagal na kaming ini-invite ni Dani sa place n’ya. And for some reason, na-neglect ko ‘yung invitation na ‘yun. It’s really my fault. And then one day, sabi ko, ‘Hon (Carmina Villarroel), punta na nga tayo,’ kasi si Mavy, makulit din.
“And then, one day, sabi ko, ‘Let’s just go.’ So, eh, ‘yung kambal, mabilis ‘yan, eh, ‘Sige, i-text ko si Dani.’ ‘Yun, itinext n’ya na.”
Tinanong ni Kuya Boy kung sinu-sino ang mga kasama niyang bumisita at aniya, “Ang nanay ko, ang hipag ko, si Brando, at ang asawa n’ya. Opo.”
Hindi naman nakasama ang kapatid niyang si Kier.
Nang makita raw ni Zoren ang mga larawang ipinost ni Dani tungkol sa kanilang family gathering, saka niya napagtanto kung gaano kahalaga para sa kanyang pamangkin ang kanilang pagbisita.
Sey ng aktor, “Yeah, but alam mo, Tito Boy, nagulat ako sa post n’ya. Because I didn’t know it would mean that much to her. Ganu’n pala ka-deep ‘yung meaning ng pagpunta namin. I didn’t know.”
Sa appreciation post naman ni Dani, sinabi niyang ang pagtanggap niya sa Legaspi family sa sarili niyang tahanan ay bahagi ng kanyang ‘healing process’ at nagpasalamat siya sa mga ito sa patuloy na pagmamahal at suporta.
Spiderman, after maka-P800M…
DIREK JOEY, KINALAMPAG ANG MGA KAPWA DIREKTOR PARA ‘DI LANGAWIN ANG MGA LOCAL FILMS
DAHIL sa kinita ng Spider-Man at The Odyssey (TO), naghayag ng prangkang saloobin si Direk Jose ‘Joey’ Javier Reyes, chairman at direktor ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), sa kalagayan ng industriya.
Aniya, “It's a fallacy to say na buhay na buhay ang pelikulang Pilipino, buhay na buhay ang Cinemalaya. Ang pelikulang Pilipino ay naghihikahos. At bakit naghihikahos ang pelikulang Pilipino? Dahil almost P800 million ang kinita ng Spider-Man at almost P500 million ang kinita ng The Odyssey.”
“Ito ay sa aking pakiwari lang, ‘di presyo ng ticket ang problema. Ang problema ay ang attitude ng Pilipino sa pelikulang Pilipino,” dagdag pa niya.
Binigyang-diin din ng FDCP chairman na may responsibilidad ang mga prodyuser na bigyan ang mga manonood ng mga pelikulang karapat-dapat panoorin.
“‘Di lang ang mga manonood ang may problema, nasa mga prodyuser din ang problema. Kailangan nilang mapagtanto na anuman ang presyo, kung gusto nilang (mga manonood) manood ng pelikula, papanoorin nila ito anuman ang presyo gaya ng napatunayan sa Spider-Man at The Odyssey.”
Hinimok niya ang mga filmmakers na tumuklas ng mga bagong kuwento para maitaas ang kalidad ng kanilang mga pelikula.
“Kailangan nating pagbutihin ang kalidad ng mga pelikulang ginagawa natin at kailangan nating magsimulang gumawa ng mga bagong kuwento. ‘Di natin maaaring ulit-ulitin ang mga bagay na ginagawa na natin simula nu’ng may buhok pa ako. Kailangan, magbago tayo.
“Ang aking pakiwari, kailangan nating mag-isip nang pandaigdigan. ‘Di tayo maaaring umasa lamang sa lokal na merkado at sa mga plataporma. Walang pag-unlad o kinabukasan para sa mga sinehan sa Pilipinas,” sey pa niya.
Samantala, pinuri ni Direk Joey ang lineup ng Cinemalaya ngayong taon, na inilarawan niya bilang isa sa pinakamalakas na curation ng festival.
Sey ni Derek, “(This year) It’s one of the best curations of Cinemalaya. Saan ka makakakita ng festival na magugulat ka kay Pokwang, kay Joey Marquez, kay Ruby
Ruiz?
“Nakabili na kami ng mga pelikulang walang love team pero may mga tema na may kaugnayan at nakatutugon sa mga manonood.”





Comments