top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Khan, nangulit hamunin si Pacman, gintong gawad sa PSC Rise Up

BULGAR
Jun 30, 2022
2 min read

ni GA / MC - @Sports | June 30, 2022



May paramdam nang ipinarating si retired light welterweight champion Amir Khan kay Hall of Fame trainer Freddie Roach para maitakda ang laban kay Manny Pacquiao sa isang exhibition matapos matalo ang huli sa kanyang kandidatura sa pagka-Presidente noong Mayo.


"Well, a friend of mine got a phone call from Freddie Roach, who just said that, ‘Listen, we want to get a fight. Manny didn’t win the election. Let’s do like an exhibition with Manny, or maybe a proper fight.’ They want to do it in the UK,” saad ni Khan sa iFL TV.


Pakay ni Khan, na ilang beses naging sparring partner ni Pacman ang 'big money fight' sa Filipino boxing icon na inanunsiyo ang pagreretiro sa boksing nang matalo kay Kell Brook via sixth-round technical knockout.


Sa kabilang banda, inanunsiyo naman ni Pacquiao na retirado na rin siya sa boxing bago niya opisyal na ipinahayag ang kandidatura sa pagka- Pangulo. Huli niyang nakasagupa noong Agosto, 2021 si Yordenis Ugas at natalo siya sa unanimous decision. Pero anumang tsansa ang mamagitan sa dalawa ay depende na sa pagbawi ng retirement ng Pinoy boxing icon.

Samantala, nanatiling nakatuon ang Philippine Sports Commission (PSC) sa pagkilala sa mga namumukod-tanging kontribusyon ng kababaihan at pagpapaunlad ng palakasan ng katutubo sa pamamagitan ng Gintong Gawad (GiGa) 2022.

Tinapos ng Komisyon ang Gintong Gawad Awards 2022 sa Subic Travelers Hotel noong Hunyo 14, 2022, kung saan iginawad ang walong nanalo at dalawang espesyal na citation. Ang mga highlight ng okasyon ay tampok kagabi sa PSC na “Rise Up! Maghubog ka!”

Pinahalagahan ng PSC Women in Sports ni Commissioner Celia Kiram ang suporta ng mga grassroots sa pagtulong sa PSC sa kanilang bisyon ng pagpapaunlad ng kahusayan sa palakasan sa buong bansa at pagpaparangal sa mga homegrown top-performing atletes sa pamamagitan ng iba't ibang programa ng PSC.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page