Kesa todo-shopping ng mga luxury bags at shoes abroad… JINKEE, MAS GUSTO NG MGA TAO NA NAMIMIGAY NG AYUDA
- BULGAR
- Feb 29, 2024
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | February 29, 2024

Iisa ang reaksiyon ng mga netizens sa tuwing makikita nila si Jinkee Pacquiao na nagsa-shopping abroad. Gusto nilang awatin ang wifey ni Pacman dahil sandamakmak na ang kanyang mga branded bags and shoes. Sobrang mahal pa naman ng kanyang mga binibili at halos hindi naman niya nagagamit dahil hindi siya laging uma-attend sa mga parties.
Kapritso na lang daw ni Jinkee ang pagdi-display ng mga branded at luxury items na gamit niya.
Payo ng ilan kay Jinkee Pacquiao ay i-donate na lang niya sa charity ang kanyang pang-shopping at marami pa siyang matutulungang mahihirap.
Sa panahon ngayon, maraming naghihirap at walang trabaho ang karamihan. Hindi na niya dapat kailangang magdispley ng mga luho sa buhay.
Oo nga’t pera naman nila ni Pacman ang kanyang ginagastos sa kanyang pagsa-shopping, pero naisip kaya ni Jinkee na maraming Pinoy ang halos hindi na kumakain dahil sa kakapusan sa pera?
Mas gusto ng marami, makita si Jinkee Pacquiao na namimigay ng ayuda sa squatters' area, sa halip na namimili ng mga branded bags and shoes.





Comments