Kesa todo-asa at ma-stress sa paghahanap… KC, TANGGAP NANG WALANG LALAKI SA BUHAY NIYA

Updated: Mar 15, 2021
Erlinida Rapadas - @Teka Nga! | March 14, 2021

Mukhang hindi pa matutupad ang pangarap ni Megastar Sharon Cuneta na magkaroon ng apo sa kanyang anak na si Kristina Cassandra o KC. Matagal nang ipinagtutulakan ni Shawie si KC na mag-asawa na para makita na niya ang kanyang magiging apo, but it seems lumipas na rin ang interes ni KC na mag-settle down at magkaroon ng sariling pamilya.
At dahil sa Covid pandemic, hindi na ito ang naging prayoridad ni KC. Nag-aral siyang maging chef at ito ang ginawa niyang content sa kanyang YouTube channel.
Ngayon, sa latest post ni KC ay nag-announce siyang aalis muna ng 'Pinas upang mag-aral abroad. May koneksiyon sa kanyang jewelry business ang kursong kanyang pag-aaralan.
Na-inspire si KC sa magandang feedback sa kanyang jewelry designs kaya nagdesisyon siyang palawakin ang kanyang negosyo.
Saka na lang niya bibigyan ng panahon ang kanyang love life. Naniniwala si KC na darating sa tamang panahon ang tamang lalaki na nakalaan sa kanya. Hindi niya kailangang hanapin ang kanyang Mr. Right at ayaw na niyang umasa at ma-stress pa.





Comments