top of page
Search
  • BULGAR

Kesa raw tanggapin ang Best Int’l. Actor award sa Japan… ALDEN, MAS PINILING MAGING BODYGUARD NI KATHRYN SA FAMAS

ni Julie Bonifacio @Winner | May 29, 2024


Showbiz Photo
Photo: Missnate29 / IG

Big winner pala si Alden Richards sa Jinseo Arigato International Film Festival as Best International Filipino Actor pero ‘di siya nakadalo at nagpadala na lamang ng video ng acceptance speech niya. 


Maraming Pinoy fans daw ang nag-abang kay Alden sa Japan para makita siya ru’n nang personal.


May taping daw kasi si Alden ng kanyang serye sa GMA-7 na Pulang Araw kaya ‘di siya nakadalo pero nakadalo si Alden sa FAMAS Awards Night kasama si Kathryn Bernardo. 


This maybe the reason kung bakit bina-bash si Alden sa socmed (social media). Mas pinili raw kasi ni Alden na maging “bodyguard” ni Kathryn kesa personal na tanggapin ang kanyang award sa Japan.


Sey ng mga netizens, “Um-attend lang ata ‘tong alaga ko para mag-bodyguard (laughing emoji).”


“Hindi pumunta ng Japan to accept his Best Actor Award para mag-bodyguard duties kagabi (laughing emoji).”


“Anong award-award? Magbabantay daw s’ya.”


‘Yun na.

      


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page