top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kesa raw sa ‘yo, Julia… GIGI, ALA-SARAH, MAS BAGAY KAY GERALD

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 22, 2021
  • 1 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | November 22, 2021




Nagpakita na ng teaser ang ABS-CBN ng pinagsasamahang proyekto ni Gerald Anderson at ng newbie actress-singer na si Gigi Lana. Ang title ng teleserye ay Hello Heart.


Aba, nakabuo na agad ng fandom ang dalawa na tinawag ng mga fans na GiRald.


Ipinagsisigawan nilang bagay sina Gigi at Gerald. May chemistry daw ang mga ito like Joshua Garcia at Janella Salvador (JoshNella).


Of course, may pinariringgan ang mga fans. Obvious na patungkol na naman sa girlfriend ni Gerald na si Julia Barretto ang patutsada nila.


Puring-puri rin ng mga fans ang kahusayan ni Gigi. Peg nga raw ng baguhang aktres si Sarah Geronimo dahil mahusay din daw itong kumanta at may talent din sa komedya.


Dahil may chemistry ang GiRald, out daw muna sa eksena ang JuRald love team.


Hanggang ngayon pala ay marami pa ang hindi nakaka-move on at hindi tanggap ang relasyon nina Gerald at Julia.


Sana, huwag nang ikabit ang pangalan ni Julia para sa promotion ng GiRald teleserye.


Tutal, naging patas naman ang aktres nu’ng mag-promote siya ng kanyang teleserye sa TV5, ang ‘Di Na Muli.


Kaya lang, ang mga netizens ang ayaw pa ring tumigil. Anila, kung mga magagandang komento raw ang mababasa sa dalawang bida ng Hello Heart, malamang ay magkaroon ng idea si Julia at pagselosan si Gigi.


Heto nga ang ilan sa mga komento na aming nabasa…


“Hala, hindi naman ako fan ni Gerald, pero bakit lakas ng kilig?”


“May spark sila, oh! Lakas ng chemistry.”


“K-drama feel na naman, oh.”


“Mas may spark ito, may kilig, kesa sa JuRald, ha!”



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page