KD, knows mo na? ALEXA AT JASON, PROUD NA HOLDING HANDS SA CONCERT NI ANGELINE
- BULGAR

- 34 minutes ago
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | August 25, 2026

Photo: Jason Dy at Alexa Ilacad - IG
Nakunan ng Jayco TV ang pagdating nina Alexa Ilacad at Jason Dy sa Smart Araneta Coliseum para manood ng concert ni Angeline Quinto. Na-curious ang mga netizens dahil dumating sila at naglakad na magka-holding hands.
Bukod sa holding hands, inalalayan pa ni Jason si Alexa sa paglalakad dahil maraming tao sa dinaanan nila.
Tanong ng mga fans, sila na ba ang new showbiz couple? Hindi raw magho-holding hands ang dalawa kung friends lang sila.
Hopefully, masagot ang tanong ng mga netizens na nakakita sa dalawa, lalo na ng mga fans nina Alexa at KD Estrada (KDLex). Kahit buwag na ang kanilang love team, may mga umaasa pa rin na magkasama sila sa kahit anong project.
Happy para sa ex-BF… SWEET PHOTO NINA EDU AT ANNE, INI-LIKE NI CHERRY PIE

Edu Manzano at Anne Cuisia - IG
INI-LIKE ni Cherry Pie Picache ang post ni Edu Manzano na photo nila ng current girlfriend na si Anne Cuisia.
Mababasa agad ang pangalan ng aktres dahil una siya sa mga nag-like sa post ni Edu na “just chilling out” ang dating ng post.
Ibig daw sabihin nito, friends pa rin sila kahit nagtapos na ang kanilang relasyon. Saka, hindi naman yata bad breakup ang nangyari sa ex-couple, kaya they can still like each other’s post.
Baka nga mag-comment pa sila sa kani-kanyang post at hindi malayong mangyari na mag-like rin si Edu sa post ni Cherry Pie.
Iba talaga kapag matured ang nagbe-break, walang drama, nagmu-move on lang sila sa nagtapos o tinapos nilang relasyon.
Samantala, simple lang ang caption ni Edu sa post ng picture nila ng GF.
Aniya, “A beautiful sunset, a glass of wine, and the woman who makes every view more beautiful.”
O, ‘di ba? Sweet na nga ang picture ng couple, mas lalo pang naging sweet sa caption ni Edu.
Marami ang nagparating na masaya sila para sa couple, na bagay sila, at napangiti sila sa larawan ng dalawa.
Pinuri rin si Edu by not giving up on love. Dapat daw gayahin siya na tuloy lang ang paghahanap ng totoong pag-ibig.
Waiting ang mga netizens sa mga susunod na magandang mangyayari sa love story nina Edu at Anne.
Humirit na “Talented tapos ganito ang hitsura?”
LEA, NIRESBAKAN NG SB19 FANS SA PANLALAIT DAW KAY STELL

Lea Salonga at Stell Ajero - IG
GINAGAWANG controversial at binibigyan ng double meaning ang mga post ni Lea Salonga. Kapag basher ka ni Lea, tiyak na negative ang dating sa iyo ng dalawa sa latest posts nito.
Isa rito ang post ni Lea na, “Talented tapos ganito ang hitsura?” tapos may photo ni Stell ng SB19.
May nag-react na SB19 fan, bakit daw ito nilait ni Lea?
Depensa naman ng fan niya, hindi nito nilait ang P-Pop King. Ang ganda pa nga ng sinabi nitong talented ang SB19 member, parang biniro lang nito si Stell na sa photo ay parang nagsasayaw.
Ayon naman sa ibang fans, dapat may emojis ang post ni Lea para hindi nag-react ang mga fans ni Stell. Nakiusap din ang mga fans na huwag nang seryosohin ang post at halata namang hindi negative ang gustong tukuyin ni Lea.
Isa pang post niya na ipinag-react ng mga netizens ay “As a man, why are you FAT?
“You don’t menstr*ate. You don’t have hormonal issues. You don’t have PCOS. You don’t carry children.
“So why are you fat? Why are your bre*sts hanging? Good questions!”
May reminder si Lea sa taas ng kanyang post to watch the full reel, pero ang iba, nag-react agad at hindi nagustuhan ang post. Mas marami nga lang ang nag-comment na hindi dapat negative ang tingin sa post niya. Mas paalala raw ang dating nito sa mga kalalakihan na alagaan ang kanilang mga sarili at lalong huwag husgahan ang mga kababaihan.
Totoo naman ang post ni Lea, hindi nanganganak, walang hormonal issues at walang Polycystic Ovary Syndrome (PCOS) ang mga lalaki, kaya walang dahilan para sila tumaba.
Anyway, sa September 4 na tatanggapin ni Lea ang kanyang Walk of Fame Star na gaganapin sa Hollywood Boulevard. Host si Sibley Scoles at guest si Ming-Na Wen na isa ring Walk of Famer.





Comments