KC, UMAMING 'DI NA SILA MAGBESPREN NGAYON NI SHARON
- BULGAR
- Sep 11, 2023
- 1 min read
ni Nitz Miralles @Bida | September 11, 2023

Mahaba pala ang interview ni KC Concepcion sa podcast na Updated with Nelson Canlas at tila lahat ng gustong itanong ay naitanong ni Nelson Canlas. Pati ang tungkol sa kanila ng mom niyang si Sharon Cuneta ay naitanong.
Ang tanong ni Nelson kay KC ay “Is there any part of your life that you would like to rewrite?”
Sa expression ni KC, tila nagulat sa tanong, pero sinagot pa rin at ang sabi, “Wow, big question, hahaha! Of course, there are! You know I wish I really would like for my mom and I to be best friends again.”
Dagdag ni KC, “There’s a lot of years that have gone by na siyempre may mga destructions kami and I know later on in life, we would be better than ever. Hindi mawawala ‘yung pagmamahal namin sa isa’t isa and one day, 'pag ikinasal na ako at nagkaanak na ako, I think that would bring my mom and I closer than ever and I want her to know na mahal na mahal ko siya and loyal ako sa kanya, nanay ko siya! Dugo niya, dugo ko.”
Sa sinabing ito ni KC, marami ang nagdarasal na matupad ang wish niya na bumalik sa dati ang relasyon nilang mag-ina at maging best friends uli sila.





Comments