KC, NASAKSIHAN ANG MGA PAG-IYAK NI SHARON DAHIL SA MGA LALAKI
- BULGAR
- Sep 1, 2023
- 3 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | September 1, 2023

Tila hahaba pa ang usaping alitan sa mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion dahil left and right ang interbyu kay KC para sa promo ng movie niya, habang si Sharon ay idinadaan sa pagpo-post ng mga cryptic messages sa kanyang mga socmed accounts ang sagot sa mga rebelasyon ni KC tungkol sa tunay na estado ng relasyon nilang mag-ina sa ngayon.
Siyempre naman, ‘di papaawat si Sharon sa mga tsika ni KC lalo na ang kuwento nu’ng bata pa siya’t kasagsagan naman ng career ni Mega.
Sa panayam ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube channel kay KC ay ikinuwento nito ang naging buhay niya sa Paris, France habang nag-aaral doon.
‘Batang-kalye ng Paris’ daw ang tawag kay KC doon dahil pagala-gala siya thru public transportation. At habang nag-aaral ay tatlo raw ang naging trabaho niya including ang pagtuturo ng English sa mga Intsik na French-speaking.
Wish pala ni KC na magkaroon siya ng nakatatandang kapatid o “ate” na mapagsasabihan niya ng kanyang problema at nakaka-girl talk.
Puro kasi siya ang taga-alalay at tsumitsika sa kanyang mga kapatid since siya ang panganay both on Sharon’s side at sa mga anak ni Gabby.
Feel na feel daw ni KC ang pagiging ate. At para maka-bonding niya ang kanyang mga kapatid, nagbasa raw siya ng mga libro at inaral pati ang pagti-TikTok.
“Pero I wish na meron din akong ate nu’ng lumalaki ako to teach me things like, you know, girl talk. Ate, ano, ‘yung meron kang katuwang, (na) ate,” sabi ni KC kay Ogie.
Lumabas din mismo sa bibig ni KC na naging saksi siya sa past love life ni Sharon pagkatapos mahiwalay kay Gabby.
“I think, si Mama kasi is working since 12 years old siya. So, kahit sa kanya ako lumaki, siyempre, napi-feel ko rin minsan na may times na para rin siyang OFW nu’ng lumalaki ako,” natatawang pag-alaala ni KC.
Ibig sabihin, kahit nasa ‘Pinas si Mega ay para rin siyang malayo kay KC dahil sa kabisihan ng mama niya sa trabaho.
Kuwento pa ni KC, “‘Pag nakikita kong umiiyak na siya, ang training ko kasi, Tito, nu’ng lumalaki ako, kaming dalawa lang ang magkasama.
“Kunwari, na-heartbroken siya, meron siyang relationship na ‘di natuloy, iiyak ‘yan sa bahay.
Bata pa lang ako noon, sasabihin ng lola ko, ‘You’ll be strong for your Mama, ha? She’s sad.
You make her happy.’ So, lumaki ako na ganoon ‘yung training ko. ‘Pag nakikita ko ang nanay ko na umiiyak, hindi ako puwedeng umiyak. Kailangan, ako ‘yung strong, parang ganoon.
“So, meron din akong love sa Mama ko na parang hindi ko laging nae-express siguro.”
Reading between the lines, basa na ninyo kung saan nanggagaling ang mga hugot ni KC ukol sa relasyon nila ni Sharon.
Posibleng konektado ang mga sinabi na ‘yan ni KC sa isa pa niyang interbyu na lahat naman daw ay ginawa niya, naging supportive siya at sinunod ang mga gustong ipagawa sa kanya at isa na nga rito ang pagtatapos sa kolehiyo kesa pasukin ang showbiz.
Tingin namin, kailangan talagang mag-usap nang masinsinan nina KC at Sharon, privately. Halata kasi na may “bagaheng” dala-dala pa rin si KC hanggang ngayon pagdating sa naging relasyon nilang mag-ina.
Anyway, we wonder kung naipakilala na kaya ni KC kay Sharon ang kanyang Fil-Swiss boyfriend na si Michael “Mike” Wuethrich? Nauna nang nadala ni KC ang BF sa resort ng kanyang ama sa Batangas based on her Instagram posts.
Samantalang wala pa kaming na-sight na post ni KC or ni Sharon na kasama sa picture ang bagong BF ng kanyang eldest daughter. Hindi naman sana true ang tsika na mas nauna pang “inikot” ni KC sa mga kaibigan at kakilala niya si Mike kesa sa sarili niyang ina, ‘noh!





Comments