KC, NAGMUKHANG GAY AT AVATAR SA KAPAL NG MAKEUP AT FILTER?
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | March 18, 2021

Sa Instagram post ni KC Concepcion kung saan ipinakita niya na mine-make-up-an siya, may isang netizen ang nag-comment at ikinumpara siya sa drag queen.
“Parang drag queen,” sey ng netizen.
Sey ni KC, "Lol, drag queens are amazing.”
Pinuna ng mga netizens ang sagot ng Mega Daughter.
“Eh, bakit parang affected ka, KC, kung amazing naman pala?”
“If KC wasn't affected, she could have just replied 'thank you'. Sa sagot niya, she took it as parang negative ang sinabi ng commenter.”
“You need to be more witty than saying thank you if you want to push back. I usually say drag queens are fabulous, thank you for the compliment.”
“This woman (KC) has class… lucky basher.”
“I used to adore you during your college days and KC Diaries days, kahit nu'ng nagka-movies ka na. Pero ngayon, hindi na, nasobrahan ka na sa kaartehan tulad ng nanay mo na hanggang ngayon, pabebe pa rin.”
“At least 'yung nanay niya, minahal ng tao sa pagiging pabebe. Kasi maski papa'no, bagay naman. Pero 'pag kay KC, jusko, ang TH ng dating!”
“So beautiful, KC! Very good answer, haha! Misery loves company indeed. miserable and inggitera si basher kasi panget, kaya ganyan.”
“Ito 'yung isa sa example na maganda na, wala pang kasiyahan, eh. Hindi pa nakuntento sa makapal na makeup, talagang nag-filter pa. Halos mabura na at magmukhang avatar, eh”
“Sa ganda ng skin niya, dapat light makeup lang sana. We saw her at a mall dati when she was still 22, kumakain lang ng ice cream pero ang kapal ng makeup. Pero mabait siya at hindi suplada.”





Comments