KC, MAS PINILING KASAMA SI GABBY KESA SI SHARON SA PASKO
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | December 8, 2023

Gustuhin man ni Megastar Sharon Cuneta na makumpleto at magkasama-sama ang kanyang mga anak sa Pasko, nauna nang nagpasabi si KC Concepcion na sa kanyang Papa Gabby Concepcion siya magpa-Pasko.
Kaya hindi mangyayari ang wish ni Shawie na makapiling ang lahat ng kanyang mga anak. At tiyak, gagawan na naman ito ng issue ng ilang netizens lalo na ang mga bashers ni KC.
Pero, naiintindihan naman ni Shawie ang desisyon ni KC. Ever since kasi ay “Papa's Girl” si KC kaya mas malapit ito kay Gabby kesa sa kanya.
Pareho sila ni KC na maka-ama.
Aminado si Sharon na hindi rin siya close noon sa kanyang Mommy Elaine Cuneta. Mas close siya sa kanyang dad, ang yumaong dating mayor ng Pasay na si Pablo Cuneta. Idolong-idolo ni Shawie ang ama.
Pero nang mawala na si Mommy Elaine Cuneta, du'n daw na-realize ni Sharon ang kanyang mga pagkukulang sa kanyang ina.
Well, mahal din naman ni KC ang kanyang Mama Sharon kahit na may mga bagay-bagay silang hindi napagkakasunduan. Pero, mas komportable siyang kasama ang kanyang Papa Gabby at ang kanyang mga half-sisters dito.





Comments