KC, ano 'to? PIOLO, TODO-YAKAP KAY SHAINA SA BOHOL
ni Nitz Miralles - @Bida | October 19, 2021

Ang dami palang shippers nina Piolo Pascual at Shaina Magdayao at kilig na kilig sila sa balita at lumabas na photos ng dalawa habang nagbabakasyon sa Bohol. Sino naman kasi ang hindi kikiligin kung sobrang higpit makayakap ni Piolo kay Shaina?
Aliw basahin ang mga comments ng ShaiLo fans, nabuhayan daw sila ng loob sa mga nakitang larawan ng dalawa na mula nang dumating sa Bohol, laging magkadikit. May nag-comment pang masarap sa mata tingnan ang photos nina Piolo at Shaina at sa sweetness ng dalawa, tiyak daw na may maiinggit.
Ang mga fans nina Piolo at KC Concepcion kaya ang pinaringgan ng ShaiLo fans na maiinggit?
Hanggang ngayon kasi, marami pa rin ang umaasang sina Piolo at KC ang end game.
And speaking of Piolo, this Tuesday na siya mapapanood sa Niño Niña bilang si Mayor Christopher Charles Juarez, ang bagong halal na mayor ng Sitio Santa Ynez.
May mga kinikilig din sa pagsasama nila ni Maja Salvador sa comedy-drama series na ito ng TV5 na airing nang 7:15 PM every Monday, Tuesday and Thursday.





Comments