top of page
WINNER - MAGULANG NI VINCENT, GALIT NA GALIT NA ITINAGO SA KANILA ANG KASAL KAY BEA-FB Nan

KC, AMINADONG 'DI PA SERYOSO SA 41-YR.-OLD FOREIGNER BF

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 25, 2023
  • 2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | August 25, 2023



Hindi itinanggi ni KC Concepcion na may lalaking nagpapasaya sa kanyang puso ngayon pero aniya, kinikilala pa niya ang guy kaya hindi pa siya ready na i-open ito sa publiko.


May guy kasi na ipino-post si KC sa kanyang Instagram page na pinaghihinalaang bago niyang boyfriend, ang Filipino-Swiss businessman na si Steve Michael Wuethrich.


Nagsimula ang espekulasyon nang i-post ni KC ang isang video noong Valentine’s Day this year kung saan sa dulo ay makikitang kasama niya ang isang foreign guy.


Nasundan pa ito noong Marso kung saan ay nag-comment na mismo ang naturang guy sa isang post ni KC. Dito na nakita ng mga netizens na Mike Wuethrich ang name nito.


Ang caption ni KC sa post ay: “Nope, you’re not stealing my heart.”


Komento ni Mike, “You stole mine though.”


At nito lang Aug. 12 ay nag-post si KC ng video habang nasa France at malinaw nang makikita rito na kasa-kasama niya ang kanyang rumored boyfriend.


Sa video interview ni MJ Marfori ng TV5 kay KC uploaded last Wednesday ay naitanong sa aktres ang pagiging open na niya sa new boyfriend at natatawang sey ng dalaga, “Open na ba? Parang hindi pa ako ready i-open.”


When told na nagpo-post naman siya na kasama ang guy sa Instagram, sey ni KC, “Actually, soft opening, charot!” sabay-tawa.


Katwiran ng panganay na anak nina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta, lumaki raw siya sa public eye, so, paminsan-minsan ay nagbabahagi pa rin siya ng kanyang private life.


“But I’m still not ready to... ‘yung all-out in terms of sharing it with you. Siguro, until serious na talaga,” sey ni KC.


When asked kung hindi pa ba serious, sey ng aktres ay bago pa lang daw niya kasi nakikilala ang guy.


“Apart from that, I’m getting to know him. Nasa ‘get to know you’ ako kasi matagal akong…

what would you call it? Parang kailangan ko ng time to get to know somebody kung sino talaga siya,” she said.


“And bagung-bago pa ‘to. So, wala pa akong masyadong time to get to know the person,” dagdag pa niya.


Aminado rin si KC na nang mangyari ang pandemic ay dito raw niya na-realize ang importance na may katuwang sa buhay dahil mag-isa lang siya for three months at walang kasama.


“Naiwan akong mag-isa nu’ng lockdown, kasi magkaiba kami ng city ng family ko. So, 3 months ‘yun na wala kang masandalan, really.


“So, du’n ko na-realize na ‘Oh, gosh, ito pala ‘yung importance na may katuwang sa buhay.’


“So, medyo nag-iba ‘yung perspective ko, but I never saw myself getting married early.


Talagang mga ganitong time, ako talaga. We all have our seasons and I think, mas sa ganito akong time.


“So hopefully, ok naman,” saad niya.


KC is 38 years old now and Mike is said to be 41.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page