Kaya wala pang nagsosoli… NETIZENS, GUSTONG GAWING P100 K ANG REWARD PARA SA ASO NI HEART
- BULGAR
- Nov 7, 2021
- 1 min read
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | November 7, 2021

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikita ang nawawalang aso ni Heart Evangelista.
Nagbigay na siya ng reward na P50K para lang ibalik sa kanya ang nawawalang asong si Luka.
Sa tweet ni Heart, sinabi niyang, "Sana matulungan n'yo kami… Baka nasa EDSA siya? He is very afraid of people so baka nagtatago sa mga bridge… last seen outside Dasma Village, around Alpha Land… pls. refer to my other post for contact details.”
May nagbirong netizen,"Ilabas na kasi ang aso at ‘wag nang hintaying gawing P100,000."
Samantala, dapat pala ay nasa Paris ang aktres, pero dahil sa taping ng I Left My Heart In Sorsogon, hindi na siya tumuloy.
Invited daw siya sa event ng sikat na Korean actress na si Song Hye Kyo.
"Yes but I needed to film for I Left My Heart in Sorsogon. There’s always a next time,” reply ng Kapuso actress sa invitation.





Comments