Kaya super-liit ng bewang… HEART, PAKUTSA-KUTSARA LANG ANG KANIN AT ULAM
ni Nitz Miralles - @Bida | July 30, 2021

Hindi yata umuulan sa Sorsogon dahil tuluy-tuloy ang taping ng rom-com series ng GMA-7 na I Left My Heart in Sorsogon.
Sa nakita naming photos na kuha sa taping, gaganap na parents ni Celeste (Heart Evangelista) sina Rey Abellana at Shamaine Buencamino. Kapatid naman ni Heart ang role ni Mavy Legaspi.
Mag-ama naman ang role nina Richard Yap bilang si Tonito at Kyline Alcantara bilang si Tiff. Hindi malinaw kung balo ba o hiwalay sa asawa ang karakter ni Richard. Mikoy naman ang pangalan ng karakter ni Paolo Contis na gaganap na childhood friend ba o childhood sweetheart ni Heart.
Hindi lang ang OOTD ni Heart, ang mga eksena niya kina Richard at Paolo, takbo ng story ng series at mga eksena nina Mavy at Kyline ang dapat abangan ng viewers sa I Left My Heart in Sorsogon, kundi pati ang ganda ng lugar. Kaya pala ginusto ng ama ni Heart na si Rey Ongpauco na manirahan sa Sorsogon.
Samantala, dahil sa larawang ito ni Heart na kitang-kita ang ganda ng hubog ng katawan, manipis ang waistline at walang kabilbil-bilbil, marami ang nainggit at gustong mag-workout. Ang iba ay na-inspired to follow Heart’s diet na pakutsa-kutsara lang ang kinakaing rice, pati ulam. Kayo n’yo ‘yun?
Ang caption ni Heart sa kanyang litrato ay “Be happy, it drives people crazy,” na totoo naman dahil sa iba’t ibang reaction ng mga netizens.





Comments