top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Kaya stop sa serye nila ni Xian… JENNYLYN, MUNTIK MAKUNAN

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 14, 2021
1 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | November 14, 2021





Muntik na palang makunan si Jennylyn Mercado habang nagte-taping ng teleserye nila ni Xian Lim, ang Love. Die. Repeat.


Dahil mabibigat ang mga eksenang kinukunan sa aktres, naging emosyonal siyang masyado.


Kuwento ni Jen, dinugo siya noon sa set ng LDR. Agad na dinala si Jen sa kanyang OB Gyne.


At doon ay nakumpirmang nagdadalantao na pala siya.


Dala umano ng ilang mabibigat na eksenang ginagawa, hindi inaasahan ng aktres na makaaapekto ito sa kanyang kalusugan.


Nagdesisyon na ring pahintuin muna ni Dennis sa pagte-taping ang fiancée para maging maayos ang pagbubuntis nito.


Sa vlog ni Jennylyn, ibinahagi ng Kapuso couple ang naganap buhat nang malaman nilang mabibiyayaan na sila ng baby na hindi na kailangan pang dumaan sa una nilang plano na surrogacy.


"Sa bigat ng mga eksena ko, napakaemosyonal, tapos 'yung physical requirements nu'ng mga eksena... Hindi ko ine-expect na magbi-bleed ako."


"Kami nagdesisyon na pauwiin si Jen, itigil muna 'yung trabaho para makauwi na siya sa bahay at mas maalagaan siya," sabi naman ni Dennis.


Malapit na ring magpakasal ang celebrity couple. Anila, simpleng kasal lang daw ang magaganap sa kanila.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page